Kilalanin! Governor, mayor may gambling/drug operations… LOCAL GOVERNMENT OFFICIALS PATONG SA ILEGAL, KASUHAN!
Advertisers
Ni CRIS A. IBON
NANINDIGAN ang grupo ng Southern Tagalog-based anti-crime and vice crusaders sa kanilang panawagan kina President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Department of Interior and Local Government Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla na mahigpit na patawan ng parusa ang government officials na nagsisilbing protektor sa mga ele-mentong kriminal, lalo at higit sa mga vice operator na sangkot din sa talamak na operasyon ng kalakalan ng iligal na droga sa bansa.
Sinabi ng mga Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB), napapanahon nang pasiglahin ang tila nailibing sa limot na implementasyon ng batas na nagpapataw ng mataas na parusa laban sa government officials o mga kawani ng gob-yerno na mapapatunayang sangkot, protektor o tagapag-kanlong ng mga gambling operator, na may parusang pag-kabilanggo na 12 hanggang 20 taon at multa ng P3 million hanggang P5m at habangbuhay na diskwalipikasyong manungkulan o magtrabaho sa pamahalaan.
Ayon sa MKKB, wala ni isa mang matataas na opisyales ng pamahalaan o kaya ay sa mababang level tulad ng gobernador, mayor at iba pang opisyales ng gobyerno ang napaparusahan simula nang pinagtibay ang R.A 9287, ang batas na nag-amyenda, nagrebisa, sumusog at nagpaigiting sa dati ay malabnaw na P.D 1602 na nagpapataw ng mababang kaparusahan sa paglabag sa Anti-Gambling Law sa bansa.
Tinukoy ng MKKB ang mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon na may pinaka talamak na operasyon ng Small Town Lottery (STL) bookies, sakla, pergalan (peryahan na pulos sugalan) na mala-king sakit ng ulo ng mga tapat sa tungkuling awtoridad lalo na ng PNP, NBI at iba pang law enforcing agency.
Ginagamit itong “gatasan”, palabigasan ng ilang tiwaling pulis at NBI, at higit sa lahat ay ng ilang korap na gobernador, alkal-de at barangay officials.
Kung mahigpit na ipatutupad ang mga letra ng batas ay tatamataan dito ang maraming lokal na opisyales lalo na yaong nababalitang nagbibigay ng protek-syon o pumapayag na gamitin ang kanilang lokalidad o nasasa-kupan bilang sangtuwaryo ng ilegal na pasugal kapalit ng pagkakaloob naman sa kanila ng pondo o “election fund”.
Tinukoy ng MKKB ang mga lugar na palasak ang operasyon ng illegal vices tulad ng Tanauan City, Lipa City, Calaca, Balayan, Ibaan, Cuenca, Malvar, Taysan, Lemery, Laurel, Tuy, San Luis, Calatagan, Bauan, Sta. Teresita, San Juan, San Pascual, Mabini, Lobo, Balete, Mataas na Kahoy, Talisay, Agoncillo, pawang sa lalawigan ng Batangas kungsaan ay talamak ang operasyon ng STL bookies financiers na nagbaba-latkayong may permit bilang Authorized Account Corporation (AAC) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Pinakamalakas ang opera-syon ng mga pasugalan sa mga bayan ng Lian, na bukod sa nag-o-operate ang STL bookies ang grupo ng kung tagurian ay “Triple J”, ay may pinatatakbo din dito na bilyarang milyones ang pustahan, may pasakla, color games, mahjong at iba pang uri ng sugal sa tabi lamang ng Lian Public Market kungsaan ay may bentahan din ng droga. Ngunit tila dedma lang dito sina Lian Mayor Joseph Piji at Police chief Major Ferdinand B. Vergara.
Sa bayan ni San Pascual Ma-yor Antonio Dimayuga, palasak ang STL bookies operation at may puesto pijo pa na saklaan, color games, drop balls at iba pang klase ng pasugal si “Ka Mundo” sa kahabaan ng highway ng Barangay San Antonio.
Sa bayan ni Nasugbu Mayor Jose Antonio Barcelon, nagsulputang kabute ang operasyon ng sakla ni “Willy Bokbok” na operator din ng Small Town Lottery (STL) bookies o jueteng sa may 42 barangay ng naturang munisipalidad.
Ang mga saklaan ni Bokbok ay nasa mga barangay ng Wawa na pinopostehan ni Reden; Co-gonan na poste ni Dayo; Tumalim ni Marites; Bucana nina Kon. Lucky, Eboy, Atan, Gary at Marcelo; at Bilaran na personal na pinamamahalaan ni Bokbok.
Sa Padre Garcia, bukod sa may ilegal na operasyon ng STL bookies sa lahat na barangay ay may mga saklaan pa sa Brgy. Sambat sina Tisoy, alyas Nonit at Jef na nagpapakilalang mga alyado ni gubernatorial candidate Michael Angelo Rivera.
Ngunit ang nakakadismaya ay hindi binubulabog ang lahat na mga iligal ito nina Batangas PNP Provincial Director, Colonel Jacinto Malinao Jr.; ng mga alkalde ng mga naturang siyudad at bayan pati na ng kanilang mga police chief.
Ang mga lokal na opisyales ng Cavite, na malamang na tamaan din sa panawagan ng MKKB na ipatupad ang maigting na implementasyon ng R.A 9287, ay sa Dasmariñas City kungsaan lantaran ang operasyon ng EZ2, lotteng at Perya ng Bayan (PnB) bookies ni “Jun Toto” sa may 72 barangays na may tingian din ng shabu at mga saklaan pa ang pulis na si “Ewang”.
Kabilang din sa may talamak na operasyon ng sakla, na may bentahan ng droga, ay sa Cavite City, Maragondon, Noveleta, Ternate, Magallanes, Bailen, Bacoor, ng magkasosyong Ka Minong, Hero, fake NBI agent na si Elwyn at Eric Turok; Naic na ino-operate din nina Ka Minong, Hero kasosyo ang isang Maricon at Amadeo kasosyo ang isang Joji.
Bukod sa mga gambling at drug den nina Ka Minong, Hero at Jun Toto ay nag-o-operate ng mga peryahan na pulos sugalan (pergalan) sina Lodie sa Brgy. Ibayo Silangan at Ibayo Estacion kapwa sa bayan ng Naic; Tetet sa Salawag, Dasmarinas City; at Jessica sa iba’t ibang lugar sa Ca-vite. Liban sa sugalan at drug den ay may paihian si alyas Amang at Violago Group sa Brgy. Bancal, Carmona City.
Gamit na panangga sa mga awtoridad nina alyas Jun Toto, Ka Minong, Hero at mga kasamang ilegalista ang pangalan ng kauupong Cavite Lady Governor Athena Bryana Tolentino at PNP Provincial Director Col. Dwight Alegre.
Sinabi ng MKKB na dapat imbestigahan ang mga nabanggit na government official at kung kinakailangan ay kasuhan ang mga ito kaugnay sa paglabag sa natu-rang batas.