Advertisers
Ni Beth Gelena
NAGREAK si KC Concepcion sa video ng mga magulang (Sharon Cuneta at Gabby Concepcion) matapos nilang manalo ng Best Concert 2024 sa 16th Star Awards For Music na ginanap last Sunday night.
Nagpasalamat ang ex couple matapos kilalanin ang kanilang “Dear Heart” concert bilang Best Concert of the Year.
Nagpost si KC sa Instagram ng ina para batiin ang mga magulang sa karangalang natanggap.
Kasalukuyang nasa North America sina Gabo at Shawie para sa kanilang “Dear Heart” US-Canada concert tour.
Nagbigay ng bagong sigla ang muling pagtatambal ng ShaGab para sa kanilang mga loyal na tagahanga.
Sa Instagram, nag-post si Megastar ng video kung saan makikita sila ni Gabo na nagpapahayag ng pasasalamat para sa kanilang natanggap na parangal.
Sa kanyang caption, isinulat ng singer/actress, “Thank you PMPC for awarding Dear Heart the Best Concert for 2024.
“Sorry guys’ This award is very timely as we are currently on our North America tour. This is for you all our ShaGab fans!”
Ang reaksyon ng kanilang panganay na anak. Isa sa mga unang nagbigay ng reaksyon ang kanilang anak, “Woohoo!!! Congratulations team DEAR HEART.” Maraming netizens naman ang natuwa sa komento ni KC at naghayag ng kanilang paghanga sa tambalang ShaGab, umaasang masaksihan ang kanilang pagsasama sa entablado kasama ang kanilang anak. Ang kasalukuyang North America concert tour ng dating mag-asawa ay patuloy na sinusubaybayan ng mga tagahanga sa social media, na bumabalik-tanaw sa kanilang klasikong pelikulang “Dear Heart” noong 1981—ang una nilang proyekto na nagpasimula ng kanilang love team.
***
JAKE KINUKULIT
SA REAL SCORE
NG KIMPAU
ANG daming nangungulit ng tanong kay Jake Cuenca kung ano na raw ba ang real score between Paulo Avelino at Kim Chiu.
Nang mainyerbyu ang aktor sa isang panayam ay muli siyang natanong hinggil sa rumored celebrity couple.
Ayon kay Jake, mula raw nang matapos na ang kanilang Pinoy adaptation teleserye na What’s Wrong With Secretary Kim ay hindi na raw sila gaanong nagkikita.
Magkaibigan kasi sina Paulo at Jake.
Ang masasabi lang daw niya ay Pau and Kim were very good to one another.
Aniya pa, hindi raw siya makakapagsabi ng iba pang detalye dahil baka magalit sa kanya ang kaibigang si Pau.
Paglalahad niya, “I can only say that on the set, they were very good to one another, parang nakikita ko ang impluwensya niya kay Paulo.”
Kinulit siya ng tanong kung anong klaseng
“influence” he was talking about?
“I can’t go into detail,” aniya.
Wika pa ng aktor, “Kim always manages to bring that radiance on the set and no matter what she’s going through, she always manages to lift everyone, and that she gets to do the same for Paulo.”
Sabagay obvious naman na very close na ang dalawa.
Though, ayaw pa nilang umamin sa real score ay marami na rin ang nagtatanong na kapwa co-hosts ni Kim sa It’s Showtime like Ogie Alcasid.
Even ang beshie niyang si Darren Espanto ay kinukuyog ng tanong hinggil sa KimPau.
Sabi nga ng singer, wala siyang alam tungkol sa dalawa.
“Ayaw ko magsalita… Ayaw ko mangealam… Bahala si Beshie dyan.”
Eh si Kim ang gagawin lang ay bubungisngis at sasabihin kay Darren, “Love you Beshie!”
Sabagay one time naman ay may nabanggit ang Chinita Princess na may aaminin sila ni Pau kapag pinalabas na ang movie nila, ang My Love Will Make You Disappear.
At yan ang hinihintay ng KimPau sa dalawa.
***
YENG KAKANTAHIN ANG ‘IKAW’ SA KASAL NI RYAN
MULING nagkrus ang landas nina Ryan Bang at Yeng Constantino.
Nag-meet uli ang dalawa sa It’s Showtime.
Matatandaang niligawan ni Ryan ang singer/composer nung time ng kasikatan ni Yeng.
Dahil lagi siyang busy, kaya hindi niya gaanong napapansin ang panliligaw ng Korean TV host.
Hindi pinush ni Ryan ang panliligaw kay Yeng sa pag-aakalang hindi siya magugustuhan.
Walang katotohanan na binasted siya ng singer/composer.
Hindi na nagkaroon ng koneksyon ang dalawa hanggang one time na nagkita silang muli sa noontime show years ago.
Doon nagkaroon ng closure ang kanilang hindi pagkakatuluyan.
After that ay hindi na muling nagtagpo ang landas ng dalawa at nagka-asawa na si Yeng.
Nagkaroon na rin ng girlfriend ang Korean TV kung saan malapit na ring ikasal.
Nito na lang uli nagkita sina Yeng at Ryan, muli ay sa It’s Showtime.
Ani Yeng, “Madlang people, ako nag-iintay lang ako ng invitation, e.”
Sumagot naman si Ryan, “Pupunta ka, punta ka sa kasal ko?”
Aniya pa, si Yeng daw ang kakanta sa kanyang wedding ng Ikaw na si Yeng mismo ang nag-compose.
Ang Ikaw din ang naging wedding song ng singer kung saan siya mismo ang kumanta sa araw ng kanyang kasal.
In-assure ni Yeng na darating siya sa kasal ni Ryan.
At nangakong kakantahin niya ang Ikaw on his wedding day.
She would even love to sing it in Korean version if he wants to since he is from South Korea.
O di ba? ang ganda ng love story nina Ryan at Yeng.
Hindi man sila ang nakatadhana sa isa’t isa happy naman ang ending ng kanilang naunsyaming pagmamahalan.