Advertisers

Advertisers

Go: Gov’t officials maging halimbawa sa pagsunod sa health protocols

0 208

Advertisers

HINIKAYAT ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga kapwa opisyal ng gobyerno na unang magpakita ng mabuting halimbawa sa mahigpit na pagsunod sa health protocols sa gitna ng kasalukuyang pandemya.

Ayon kay Go, hindi nagkukulang ang pamahalaan sa pagpapaalala sa publiko, gayundin sa mga government officials, na mahigpit na sundin ang health protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“Dapat talaga, I’m sure by now alam na ng bawat Pilipino, eight months na po ang lumipas at ang campaign po ng gobyerno, ‘di nagkukulang. Nasa bawat Pilipino po talaga kung susundin ang paalala,” sabi ni Go.



“Dapat kayong sumunod, kung ayaw n’yong sumunod, ibig sabihin gusto n’yo magkasakit,” dagdag niya.

Sa isang virtual briefing, kasama ang mga opisyal ng Department of Health, ipinaalala ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa mga government officials na huwag suwayin ang health protocols kung ayaw nilang mapatawan ng parusa.

“If a government official is invited to an event and he cannot assure that minimum health standards [will] be implemented during that event, it would be best if the government official will just decline to attend,” sabi ni Malaya sa briefing.

”If, however, even government officials cannot comply, how can we expect the general public to comply?” aniya pa.

Sinabi naman ni Sen. Go na ang kasalukuyang buwan ng Disyembre ay napakakrusyal sa pamahalaan para sugpuin ang COVID-19 dahil pinangangambahang lumobong muli ang kaso ng virus ngayong holiday season.



“So, itong Disyembre na ito ay crucial. Importante po, magkakasama kayo ng inyong mahal sa buhay. ‘Wag na kayo mag-imbita ng iba’t ibang bisita para ‘di kumalat o magkahawahan. Kapag kumalat, contact tracing na naman ang mangyayari…. Panibagong problema po ‘yan ‘pag naghawaan na naman,” ang babala ni Go.

Ipinaalala ng mambabatas sa bawat isa na ang pinakamagandang regalo ngayong Pasko ay ang pag-ingatan ang sariling kalusugan, ng pamilya at ng buong komunidad sa pamamagitan ng pagpapakita ng malasakit at kooperasyon.

“Konting tiis lang po. Makisama tayo sa bayanihan efforts at magmalasakit tayo sa ating kapwa para mas mabilis nating malampasan ang mga pagsubok at makabangon tayo muli bilang isang nagkakaisa at mas matatag na bansa,” ayon sa senador. (PFT Team)