Advertisers

Advertisers

Basag-Kotse, sumalakay sa harap ng simbahan

0 10

Advertisers

Wala nang pinipiling lugar ang mga miyembro ng Basag-Kotse nang mismong sa harapan ng isang simbahan binasag ang salaming bintana na sasakyan ng isang deboto at tinangay ang cash at gadget nito sa Dasmarinas City, Cavite Miyerkules ng gabi.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na tumangay ng di pa nabatid na halaga ng cash, iba’t ibang ATM at credit cards, mga IDs at isang silver Huawei laptop.



Sa reklamo ng biktima na si Eduardo Lara y Alvarez sa Dasmarinas Component City Police Station, 7:30 ng gabi nang iparada nito ang kanyang Toyota Avanza na may plakang DCP 8134 sa parking area sa harapan ng Simbahan ng Mabuting Pastol sa Brgy Sampaloc 1, Dasmarinas City, Cavite upang dumalo sa isang Novena prayer.

Pagbalik ng biktima matapos ang pagdarasal, tumambad sa kanya ang basag na salamin sa harapan ng passenger seat ng kanyang kotse at nawawala ang kanyang backpack na naglalaman ng kanyang gadget at cash.

Nagsasagawa naman ng backtracking ang pulisya sa Closed Circuit Television (CCTV) para sa mga dinaanan at pagkakakilanlan ng suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">