Advertisers
Nasawi ang Iiang motorcycle rider nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa nakasalubong na bus sa national highway sa Brgy. Taboc, San Juan, La Union.
Ayon sa pulisya, ang driver ng kulay itim na Rusi 125 motorcycle ay isa umanong administrative aide 1, nasa legal na edad, residente ng Brgy. Naguituban, San Juan, La Union, samantalang ang 40-anyos na driver ng kulay puting bus ay residente naman ng Alilem Daya, Alilem, Ilocos Sur.
Sa imbestigasyon, papuntang timog ang motorsiklo samantalang papunta naman ang bus ng opposite direction.
Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, nag-overtake ang motorsiklo sa isang sasakyan kaya nakasalubong nito ang bus na nagresulta sa kanilang banggaan.
Resulta nito, nagtamo ang driver ng motorsiklo ng severe injuries na agad na dinala sa ospital, su¬balit namatay din ito.