Advertisers
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Ngunit alamin mo ito, na sa mga huling araw, darating ang magulong panahon. Ito ay sapagkat ang tao ay magiging maibigin sa kanilang sarili, mga maibigin sa salapi, mayayabang, mapagmalaki, mamumusong, masuwayin sa mga magulang, hindi mapagpasalamat, hindi banal. Sila ay walang pag-ibig, hindi mapagpatawad, mapanirang-puri, walang pagpipigil sa sarili, mabagsik, hindi mapagmahal sa kabutihan. Sila ay mga taksil, mga hindi mapigil at mga mapagpalalo. Iniibig nila ang kalayawan kaysa sa ibigin nila ang Diyos. Sila ay may anyo ng pagkamaka-Diyos ngunit ipinagkakaila ang kapangyarihan nito. Iwasan mo ang mga taong ito. (2 Timoteo 3:1-5, Ang Tanging Daan Bibliya).
***
Tinuring na ng isang political analyst sa isang scandal ang nangyayari ngayon sa House of Representatives na mayroong 29 na House Deputy Speaker.
Ayon sa batikang political analyst na si Mon Casiple hindi kailangan ng ganoong karaming Deputy Speaker (DS) ng Mababang Kapulungan dahil wala naman itong naipakitang nagagawa, habang dumarami ang itinatalagang Deputy Speaker ay dumarami lamang ang gastos.
Malinaw umano na ang nangyayari ay political accommodation, nabigyan ng pwesto ang mga kongresista na naging instrumental sa pag-upo bilang House Speaker ni Velasco.
“It’s a very partisan move. Wala namang malaking nagawa, naging hatian lang ng pera”paliwanag ni Casiple.
Siyam pang sumuporta kay Velasco sa speakership row ang niregaluhan nito ng Deputy Speakership, ang 29 kabuuang bilang ng Deputy Speaker ang siyang pinakamataas sa kasaysayan ng Kamara.
Ang siyam na bagong DS ay sina Arnolfo Teves Jr, Negros Oriental 3rd District; Rimpy Bondoc, Pampanga 4th District; Bernadette Herrera Dy, Bagong Henerasyon; Kristine Singson Meehan, Ilocos Sur 2nd District;Divina Grace Yu, Zamboanga del Sur 1st District; Rogelio Pacquiao, Sarangani; Bienvenido Abante Jr, Manila 6th District at ang dalawang kapwa kinatawan ng Valenzuela na sina 2nd District Rep.Weslie Gatchalian at 1st District Rep Eric Martinez.
Si Teves na isang dting self-confessed drug user ang syang unang nagpalutang sa isyung hindi patas na hatian sa pondo ng mga mambabatas sa ilalim ng pamumuno ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano subalit nang maipasa ang P4.5-trillion 2021 budget sa ilalim ng pamumuno ni Velasco ay lumitaw na mas tumaas pa ang budget ng mga kongresista na nabigyan ng P650M hanggang P15B bawat isa na infrastructure allocation.
Si Las Piñas Rep. Camille Villar ay itinalaga din bilang DS subali’t tinanggihan niya ito, sa website ng Kamara ay makikita pa rin ang pangalan ni Villar bilang Deputy Speaker, kung hindi tatanggapin ni Velasco ang kanyang pagtanggi sa pwesto ay nasa 29 ang DS.
Ang deputy speakership ay isang plum post sa Kamara dahil bukod sa pagiging senior position ay may kaakibat din ito na mga perks gaya ng budget na P200M at pagkakaroon ng voting powers.
Una nang ipinaliwanag ni UP Political Science Assistant Professor Jean Franco na habang dumarami ang Deputy Speaker ay nadaragdagan din ang gastos, halimbawa umano, kapag itinalagang deputy speaker ay magkakaroon ng opisina, dagdag na staff at budget.
“Aside from the regular office budget one enjoys simply for being a congressman. You have your own budget you, can have at least 6 staff tapos meron ka pang district staff.Pag may committee, that’s additional budget and of course, you’re able to travel, may perks of travelling. Aside from having a staff, you have a budget also sa district office mo.”nauna nang paliwanag ni Franco.
Sa 2017 report ng Commission on Audit (COA) lumilitaw na P4.89B ang nagastos sa mga expenses sa mga tanggapan ng mga kongresista, ito ay para lamang sa 14 na Deputy Speaker noon na tiyak na dodoble ngayong 29 na ang Deputy Speakers.
***
LABIS NA PAG-IBIG NI JESUS SA SANLIBUTAN, DAPAT SAKSIHAN O PATOTOHANAN: Sasaksihan din ng mga pinili ang labis na pag-ibig ni Jesus sa sanlibutan, kaya naman minarapat Niya na bumaba sa mundo, upang Siya na ang tatanggap, sa Kaniyang Banal na Laman, Banal na Dugo, at Banal na Espiritu, ng parusang nakalaan para sa mga kasalanan ng tao.