Advertisers
NABIBILANG lang sa daliri ng contact sports na may napapahamak o may nalalagay sa malubhang kondisyon ang isang batang atleta sa panahon ng mga trainings at kompetisyon.
Isa iyan sa naging paliwanag ni Atty. Wharton Chan, secretary-general ng Samahang Kickboxing sa Pilipinas sa kanyang pagsasalita kahapon sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports On Air hinggil sa Housebill 1506 na sa ikalawang pagkakataon ay binuhay muli ang panukalang batas na pagbabawal sa mga kabataan na makalahok sa mga martial arts competitions dahil daw nalalagay sa alanganin ang mga menor de edad na atleta sa naturang sports.
“May isolated case, that’s why they pushed up the bill. Konti ang fatality sa contact sports, mas maraming namamatay sa bagyo. The bill should enacted differently. Hindi po police power ang ibigay natin kundi sa NSA regulatory powers,” ani Chan hinggil sa mungkahi niyang mas palakasin ang rules and regulations pagdating sa tamang expertise at kahusayan ng medical staff sa NSA’s.
Idinagdag pa niya na nararapat na mas asikasuhin ng gobyerno ang pagtatalaga ng mga propesyonal at lisensiyadong mga tao na magpapahintulot sa pagsabak ng mga bata sa international competition. “Legal personalities against this people forming a competition with absence of national sports association. Kung baga hindi sila nagpaalam as function ng event, dapat may NSA. Bakit, sila kasi ang nabigyan ng seminar dahil sila ang international licensees. Ang tanong, ito bang ibang nasa DepEd, nakatatanggap ba sila ng seminars?”
Pagdating naman daw sa aktuwal na laban, tanging ang mga eksperto sa NSA’s ang nakakaalam kung paano magiging ligtas ang bata sa kompetisyon. “Going back to games sa mga bata pa, hindi maalis ang normal na insidente. May safety gears naman, conducting medical and expert team. Nabigyan ang NSA ng pagkakataon makatulong sa ganitong klase ng competition. Pagdating sa NSA’s ay isolated case ang nangyayaring aksidente.”
Sinegundahan din ni wrestling head Alvin Aguilar ang diskusyon at nagpahayag na, “Example sa wrestling, we still learn on new techniques. One hour seminar sa DepEd, mamyang konti nagtuturo na sila after one hour. Sa mga ganyan kaya nagkakaroon ng aksidente. We are the ones who are certified,” na tipong mga hindi ganun ka-ekspertong mga coaches at medical staff o iba pang mga tauhan ang umaalalay sa atleta at iyon ang mga dapat na ayusin.
Pagpapalakas din sa tamang officiating ang nararapat pagtuunan ng pansin. “Sa Sambo, marami kaming kids na natututo na sa Sambo, competition na abroad, ang dapat ay istriktuhan ang referees. May mga times na nalalagay sa alanganin ang bata, dapat may officiate na tama, lalo na sa age category. Kung mawawala iyan, mawawalan ng pag-asa ang mga bata na maturuan, mga out of school na maturuan ng martial arts. Dapat talaga may officiate na tama para maiwasan ang disgrasya,” dagdag naman ni Paulo Tancontian ang secgen ng Sambo Pilipinas.
Anila, maganda naman daw ang hangarin ng awtor na mambabatas, subalit hinihiling nila na mas marami iba pang mga bagay na dapat ayusin at bigyang pansin upang mas mapalakas pa ang combat sports sa bansa.(Danny Simon)