Advertisers
Ni BLESSIE K. CIRERA
MAITUTURING na Man of the Hour ang sexy actor na si Ricky Gumera sa biglaang pagtaas ng showbiz career nito.
Si Ricky ay mapanunuod sa Anak ng Macho Dancer na prodyus ng Godfather Productions ni Mr. P (Joed Serrano) at sa direksyon ng award-winning director na si Joel Lamangan.
Naging laman ng iba’t ibang babasahin, TV at radyo si Ricky dahil sa kakaibang karisma nito sa masa at sa mapangahas na pagganap sa nasabing pelikula na introducing siya.
At dahil nakitaan ng husay sa pag-arte ang alagang ito ni Meg Perez na unang nakilala sa pagsali sa mga male beauty pageant at pagrampa bilang modelo at product endorser, hindi pa man naipalalabas ang Anak ng Macho Dancer na gumaganap siya bilang Kyle na anak ni Jay Manalo, may gagawin na agad na dalawang pelikula pa si Ricky sa ilalim pa rin ng Godfather Productions.
Bida na si Ricky sa Bagong Totoy Mola na unang pinagbidahan ni Jay na gaganap na raw na ama ng una sa nabanggit na movie.
Ang sexy actor din ang leading man sa launching film ng sikat na vlogger na si Miss Everything at ni Monay Madrigal sa isang sex comedy movie na pinamagatang ‘Monay.’
Tsika nga ni Ricky, nagkasama raw sila ni Miss Everything sa isang vlog at sinabon nito ang katawan niya.
“Grabe, napaka-humble ni Miss Everything sa kabila ng kasikatan niya. Panuorin nyo kung paano niya ako sinabon sa vlog,” sey pa ni Ricky.
Dagdag pa ng aktor, game anya siyang makipag-love scene kay Miss Everything kung kailangan.
Ganyan kaseryoso sa kanyang acting career si Ricky na handang gawin ang lahat para magkaroon ng puwang sa showbiz. May ‘K’ (karapatan) naman ‘di ba? ‘Yun na!