Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HINDI itinanggi ni Congw.Vilma Santos na minsan ay naging pasaway raw siya.
Noong mga edad nga raw nito na 20, 26 at 27 ay talaga namang grabe ang kanyang pagiging pasaway.
May isa pang rebelasyon na inamin ang Star For All Seasons, ito ay ang pagiging unprofessional.
As in, may mga showbiz commitment daw itong hindi sinisipot at ayaw nito mag-taping.
Minsan nga raw ay nandiyan na ang lahat ng kanyang costumes ay talagang wala ang presensya ni Ate Vi.
Kung sa pagiging krung-krung ay gravecious daw si Ate Vi at naalala pa nito na meron din siyang ‘di sinipot na TV special.
Kapag tinotoyo nga raw si Ate Vi, wala sa mood at mainit ang ulo ay nagpapalipas lang ito ng kalahating oras at back to normal na ito.
Takbuhan naman ni Ate Vi ang Baguio lalo na’t may mga problema ito nung kanyang kabataan.
Sa edad nga raw nito na 67 ay ibang-iba na ang Congresswoman ng District 6 sa Batangas at wala na ang pagiging pasaway.
Kahit naging busy si Ate Vi sa kanyang political career ay naisisingit pa rin niya makagawa ng film at ang huli nga ay ang ‘Everything About Her’ nung 2016.
***
Luis Manzano inalmahan ang basher na nang-okray sa gf, tinawag na bobo
SA posted pics sa IG ni Jessy Mendiola na kasama ang bf na si Luis Manzano sa bakasyon nila sa Amampulo, napansin ng netizen ang suot na luxury wristwatch ng una.
Nagtataka at nagtatanong ang basher kung bakit may suot siyang relo na mamahalin.
Mga kilalang tao at mayayaman sa buong mundo lang daw ang nakaka-afford nito na nagkakahalaga ng 1.8M hanggang 9 millions ang presyo ng relo.
Sagot ni Jessy, she works hard and save kaya raw siya naka-buy ng ganung mamahaling relo.
Sabat naman ni Luis Manzano at inalmahan ang basher na tila kinukuwestyon ang pagkakaroon ng gf ng luxury watch.
Nakapagsabi tuloy ng bobo si Luis sa basher at sinabi na bumili ng utak sa 12.12 sales sa online shopping.
Ayon sa followers ng aktres, once na may gusto ka nga raw ma-achieve sa buhay ay kailangang pagsumikapan, work hard at mag-ipon.
Well, well, well…’Yun na!