Advertisers

Advertisers

Tricycles, e-trikes, pedicabs puwedeng bumiyahe – Isko

Kahit MECQ:

0 364

Advertisers

PUWEDE pa rin makabiyahe sa mga lansangan sa Maynila ang tricycles, e-trikes at pedicabs sa panahon ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang Agosto 18.

Ito ang inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na itinalaga bilang mga COVID-19 safety marshals sa ilalim ng MECQ.

Sinabi ni Moreno na isang pasahero lamang ang pinapayagan na sumakay sa tricycle at kinakailangan na may suot na face masks bilang pagsunod sa City Ordinance No. 8627.



“Aking pinapayagan ang lahat ng pedicab, e-trike at tricycle na mapaghanapbuhay sa panahon ng MECQ,” ayon sa alkalde.

“Kaya sa lahat ng kaanak niyo, maghanapbuhay kayo sa tatlong gulong. Mayroon lang akong pakikisuyo: tupdin natin ang panawagan ng IATF. Hangga’t maaari, isang pasahero lang,” dagdag pa ni Moreno.

Ginawa ni Moreno ang desisyon para matulungan ang mga tricycle, pedicab at e-trike drivers sa panahon ng COVID-19 pandemic kung saan libu-libo sa kanila ang naapektuhan ang pinagkakakitaan.

Ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases, ang mga tricycle ay maaring mag-operate sa panahon ng MECQ, alinsunod sa guidelines na itinakda ng local government at ng Department of the Interior and Local Government. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">