Advertisers
NAGPASYA ang International Olympic Committee (IOC) nitong Lunes na pansamantalang i-ban ang Belarusian president Alexander Lukashenko sa lahat ng Olympic events, kabilang ang susunod na Olympic Games sa Tokyo.
Sa pahayag sa kanilang website, sinabi ng IOC na ang kasalukuyang National Olympic Committee ng Belarus, na pinamumunuan ni Lukashenko, ay hindi makasali sa lahat ng Olympic events bilang atleta ng bansa dahil sa kinakaharap na political discrimination.
“The IOC has come to the conclusion that it appears that the current [Belarus] NOC leadership has not appropriately protected the Belarusian athletes from political discrimination within the NOC, their member sports federations or the sports movement,” wika ng IOC.
Si Victor Lukashenko ang first vice president ng IOC.
Nagdisisyon rin ang IOC’s Executive Board na suspindehin ang lahat ng financial payments sa NOC, maliban sa bayarin na may kaugnayan sa preparasyon ng Belarusian athletes, para sa kanilang partisipasyon sa Tokyo 2020 Summer Olympic Games at Beijing 2022 Winter Olympic Games. Lahat ng Olympic Schoolarship para sa Belarusian athletes ay babayaran diretso sa atleta at hindi na dadaan sa NOC.
Nanawgan ang IOC sa international federations na siguraduhin lahat ng eligible Belarusian athletes ay makasali sa qualifying events para sa parating na Olympic games na walang political discrimination.
Ang Belarus ay kinuyug ng protesta buhat nang muling maluklok si Lukashenko bilang pangulo sa ika-anim na termino noong Agosto 9.