Advertisers
Kahabag-habag naman ang sinapit ng isang promdi matapos umanong hulihin ng dalawang lalaking nagpa-kilalang mga pulis dahil sa dala-dala niyang nailcutter kama-kailan sa Blumentrit, Sta. Cruz, Manila.
Sinabi ng promdi na kinilala lamang sa pangalang Roger na siya raw ay nagla-lakad sa Blumentrit upang i-alok ang tatlong sako niyang saging na saba nang siya ay sitahin ng dalawang lalaking nagpa-kilalang mga pulis hinggil sa dala-dala niyang nailcutter na naka-sukbit sa kanyang sinturera.
Ayon kay Roger, inakbayan daw siya agad ng dalawang lalaki at dali-daling kinumpiska ang kanyang nailcutter na naka-kabit sa keychain kasama ang ilan niyang susi.
Tinanong daw siya ng dalawa na kung bakit may dala siyang nailcutter na kino-konsiderang isang deadly weapon dito sa Lungsod ng Maynila.
Labis daw niyang kina-gulat ang akusasyon ng dalawa dahil ilan taon na niya itong dala-dala sa kanilang probinsiya sa Mindoro at maging sa Maynila sa ruwing siya ay lumu-luwas.
Pina-palabas daw ng dalawang lalaking ito na ito raw ay deadly weapon dahil sa lanseta o kikil na naka-paloob sa kanyang nailcutter, he he he
Sinabi raw ng mga nagpa-kilalang mga pulis na sa Blumentrit police detachment na lang siya magpa-liwanag. Doon na rin daw siya maku-kulong na may kalakip pang multa at kaso kung siya ay makaka-laya.
Ito daw ay labis niyang kina-bahala kung kaya’t pinaki-usapan daw niya ang mga ito na ayusin na lang ang problema na agad namang tinugunan ng una.
Hini-hingan daw siya ng 1k ng mga ito nguni’t muli niya itong pinaki-usapan na 570 pesos lang ang laman ng kanyang bulsa.
Agad daw hiningi sa kanya ng dalawa ang 5h at iniwan pa ang nalabing 70 pesos para raw sa kanyang pamasahe.
Bago daw sila mag-hiwalay ay hini-hingi niya ang mga pangalan ng mga ito nguni’t tinanggi daw ng mga ito at sinabing mag-punta na lang siya sa nasabing detachment na kung saan agad naman daw silang makikita tsk tsk tsk
Naka-sibilyan lang daw ang dalawang lalaking ito na may matipunong pangangatawan, may mga posas na naka-sukbit sa baywang at talaga namang mapapag-kamalan mong mga pulis.
Sinabi ni Roger na hindi na niya pinag-aksayahan ng panahon pumunta ng detachment dahil abala lang daw at siguradong wala ring mangyayari.
Siya daw ay nakiki-tira lang sa isang kamag-anak sa Bagong Barrio, Caloocan city na kung saan niya pan-samantalang nilagak ang kaniyang saging na sabang ina-alok sa Blumentrit. Siya ay galing pa sa Lubang island sa Mindoro at lakas-loob na lumuwas upang makipag-sapalaran.
May mga taong sina-sabing lehitimong mga walang-hiya, walang modo at kung ano-ano pa nguni’t ang dalawang lalaking ito na kung tunay na pulis man o hindi ay kino-konsiderang mga taong walang kaluluwa, di po ba?
Sa puntong ito ay isang tanong lang ang nais natin iwan sa liderato ng Philippine National Police (PNP),
DEADLY WEAPON NGA BA ANG ISANG NAIL CUTTER?