Advertisers

Advertisers

Sen. Go – Nagpapakalat ng ‘fake news’ dapat i-lockdown ang bunganga

0 225

Advertisers

“I-lockdown niyo muna ang mga bunganga niyo”.

Ito ang panawagan ni Senador Christopher “Bong” Go sa mga nagpapakalat ng fake news na magpapatupad ng lockdown ang pamahalaan sa panahon ng kapaskuhan o mula December 23 hanggang January 3.

Sinabi ni Go na dapat munang i-lockdown ng mga nagpapakalat ng maling balita ang kanilang sarili dahil hindi naman nakakatulong ang mga ito sa pagresolba sa problema ng bansa sa pamamagitan ng kanilang masamang ginagawa.



Samantala, nanawagan si Go sa mga mamamayan na huwag maniniwala sa mga fake news hinggil sa lockdown at sa halip ay makinig sa mga otorisadong tagapagsalita ng gobyerno.

kMatatandaang nagdulot ng kalituhan at pagtatanong sa maraming mamamayan ang mga kulamat na messages na magpapatupad ang gobyerno ng lockdown ngayong kapaskuhan. (Mylenen Alfonso)