Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
KAMAKAILAN ay nag-guest si John Rendez sa programa nina Gorgy Rula at Morly Alinio sa DZRH Hiningan ang rapper-composer ng pahayag sa muling pag-nominate kay Superstar Nora Aunor sa National Artist.
Sey ni John, “Kung ako sa kanya, ibigay sa akin, hindi ko na tatanggapin. Tatanggihan ko na lang, Hindi ko na kailangan iyan. Kilala ko na ang sarili ko.”
Inulan ng bashers ang pahayag niyang ito na nasulat sa PEP noong December 5. Maliwanag na na-misinterpret ng iba ang kanyang sinabi. Para kasing ipinalalabas ng iba na hindi na sang-ayon si John na magawaran si Ate Guy ng pagkilala bilang Pambansang Alagad ng Sining.
Palibhasa’y hirap pa rin sa pagtatagalog at bugso ng damdamin ay nasabi niya ang mga bagay na iyon. Ang totoo, masyado na kasi siyang nasaktan para sa kaibigan dahil dalawang beses nang niligwak si Nora para tanghaling National Artist.
Inisip niya rin siguro na baka sa pangatlong pagkakataon ay hindi na naman siya magawaran.
Hindi rin lang naman si John ang may ganitong naramdaman nang unang i-nominate ang aktres at hindi ipinagkaloob sa kanya. Marami siyang mga tagahanga at mga kaibigan na dismayado at nagalit. Marami ngang samahan ng guro sa iba’t ibang unibersidad ang hindi nagustuhan ang desisyon noon ng dating Pangulong Noynoy Aquino kaya naman binigyan siya ng award bilang People’s National Artist.
Pero sa totoo lang, sa puso ni John ay magiging maligaya siya kung mapapasakamay na ng Superstar ang long overdue na award na ito.
Ngayon pa ba niya iiwan sa ere ang kaibigan na antagal na nilang nagdadamayan?! For sure, 100 percent ay isa siya sa mga magdiriwang oras na ipagkaloob na ito sa aktres.
At totoo iyan dahil isa si John sa naniniwala sa sining ng isang Nora Aunor.