Advertisers

Advertisers

Miggs Cuaderno proud sa pelikulang Magikland

0 540

Advertisers

By Nonie V. Nicasio
IPINAHAYAG ng award-winning young actor na si Miggs Cuaderno na proud siya sa pelikulang pinagbibidahan niya titled Magikland.

Nakapasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikulang ito na mula Brightlight Leisure Productions, Inc/Gallaga Reyes Films.

Sa Magikland, gumaganap si Miggs bilang si Boy Bakunawa, apat silang bata na nagkatagpo dahil sa isang video game at si Miggs ang leader nila. 



Pahayag ni Miggs, “Sobrang proud at blessed po ako na mapasama sa pelikulang ito… kaya malaking pasasalamat ko po kina direk Lore Reyes, direk Jo Macasa, direk Peque Gallaga, at direk Christian Acuña na nagtiwala sa akin na kayang-kaya kong maging Boy Bakunawa.”

Aniya pa, “Bale, apat po kaming bata na nagkatagpo dahil sa isang video game. Kasama ko po rito sina Elijah Alejo, Princess Rabarra, at Joshua Eugenio.”

Itinuturing ni Miggs na answered prayer ang project na ito.

“Ang movie pong ito ay itinuturing kong magandang blessing po siya sa akin, answered prayers po talaga ito kasi nakuha ko po ang lead role. Nag-pray nga rin po ako na sana i-help ako ni Direk Maryo (J. delos Reyes) na mag-pray kay God na makuha ko ang role na ito,” saad ni Miggs ukol sa namayapang manager niya.

Dagdag pa ng Kapuso actor, “Bale, first lead role ko po ito for mainstream, kasi po sa indie films ay nakagawa na po ako ng sixteen films.”



Masayang kuwento pa ni Miggs ukol sa kanilang pelikula.

“Ito po ay fantasy, action, pang-family po talaga kasi may aral po na matututunan at talagang ginastusan po ang mga CG (computer graphics). First time in the Philippines po na gumamit sa movie ng camera na ginagamit po sa Hollywood.

“Kaya ang ganda po ng mga shots at mahusay po si Direk Christian, ang galing po ng actions dito.

“Nag-aral pa po kami ng stunts at fight scenes. Mahirap pong gawin, pero masaya.”

Ang naturang pelikula ay tinatampukan din nina Jun Urbano, Bibeth Orteza, Elijah Alejo, Princess Rabarra, Joshua Eugenio, Hailey Mendez, Wilma Doesn’t, Jamir Zabarte, Kenken Nuyad, at marami pang iba.

Anyway, congrats din kay Miggs dahil kasali siya sa cast ng Agimat ng Agila ng GMA-7 na tinatampukan ni Sen. Bong Revilla. Dito’y gaganap daw siyang Biduy na tila sidekick ni Sen Bong.