Advertisers

Advertisers

Princess of Love Songs Diane de Mesa, tampok sa virtual concert Christmas Caroling Show-A Holiday Special

0 450

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO
ANG Princess of Love Songs na si Diane de Mesa ay tampok sa bagong virtual concert na pinamagatang Christmas Caroling Show-A Holiday Special na mapapanood sa Facebook live.

Si Diane ang nag-organisa ng event na ito kasama ang tatlong Filipino-American organizations sa Amerika- ang FASAE (Filipino-American Society of Architects & Engineers), FAREPA (Filipino-American Real Estate Professionals Association), at ang (FACCSV) Filipino-American Chamber of Commerce of Silicon Valley.

Kasama rin sa event ang Milpitas Council member-Elect na si Miss Evelyn Chua.



Kuwento sa amin ni Ms. Diane, “Itinatampok din dito ang mga indie artists and musicians mula sa Amerika, Filipinas, at sa iba’t ibang parte ng mundo.

“Kasama rito sina Yenyen Mahinay, Danalin, Prince Ariello, Emping, Zenna, Ivy Gutierrez, Joe Valdes, Sparkly Girls, Lae Manego, Jordan Perpetua, Prinsesa, Cenen Garcia, Zeyonce, Megan Zamora, Roga, Khenzuya Yamamoto, George Nalapo, at Christian Andrade.”

Pangatlong lockdown concert na ito na pinamunuan at inorganisa ni Diane. Ang mga nakaraang programa ay ang Independence Day Lockdown Concert 2020, at sinundan ng FASAE Lockdown Concert na parehong tinampukan ng artists & performers virtually across the globe sa Facebook Live.

Mga awiting pang-Paskong Pinoy ang itatampok sa Christmas Caroling Show – A Holiday Special. Mapapanood ito sa Dec. 11 @7pm (California)/ Dec. 12 @3pm (Philippines) sa mga Facebook Pages ng PinoyOnlineRadio / Channel31Online TV / Wiz Network/ at sa mga Facebook pages at Youtube channel ni Diane @ msdianeg.

Bakit niya naisipang mag-organize ng ganitong event?



“Para maramdaman pa rin ang diwa ng Pasko kahit may pandemic at ma-promote na rin ang mga awiting Paskong Pinoy kahit saan mang dako ng mundo,” sambit niya.

Pahabol pa ni Ms. Diane, “Nawa’y maramdaman pa rin natin ang diwa ng Pasko kahit may pandemya sa pamamagitan ng musika.”