Advertisers
NANAWAGAN ng pagreresign ni Special Assistant to the President (SAP) Anton Lagdameo, ang mag-amang Suharto “Datu Teng” Mangudadatu, dating Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Secretary at ang anak nitong si Datu Pax Ali Mangudadatu, ang Governor ng Sultan Kudarat.
Noong una inilabas ng mga Mangudadatu ang umano’y ‘pangengelam’ ni SAP Lagdameo sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa mga video nilang ipinamahagi sa media.
Subalit nitong linggo matapos ang paghahain ng mga Certificate of Candidacy, hayagan na ang panawagan ng mga Mangundadatu na tuluyan nang pagbitiwin sa kanyang pwesto si Lagdameo.
Inakusahan pa nga ni dating TESDA secretary na si SAP Lagdameo ay nakaka-pamulsa ng bilyong piso sa pondo ng BARMM at binabalaan siyang tumakbo sa politika.
Ayon sa nakatatandang Mangundadatu, nagkakamal ng bilyong piso si Lagdameo sa mga kinokopo nitong mga kontrata sa BARMM gamit ang construction firm ni South Cotabato Governor Reynaldo “Jun” Tamayo Jr.
Ang anak naman nitong si Gov. Pax, ay hayagan nang ibinulgar na “tinatakot at hinaharas” na ni SAP Lagdameo ang kanilang mga mayor kung ang mga ito ay sususporta sa mga Mangundadatu.
“Hindi yan ang pag-uugali ng isang Bagong Pilipino. Tatakot-takutin ang ating mga mayor, haharassin mo sila at sasabihin kung di ka sasama sa utos ng Malacañang. Di ba niname-drop pa ang Pangulo. Kakasuhan ka namim, tatanggalan ka namim ng mga body guard, pakukulong ka namin, iriraid ka namin!” ang sabi pa ng batang gobernador.
Dagdag pa ng gobernardor si SAP Lagdameo din ang dahilan kung bakit di natuloy ang pagdaraos ng ‘Lab For All” outreach program ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos(LAM) sa Maguindanao dalawang linggo na ang nakaraan.