Advertisers
Ni Rommel Placente
SA mga naninira sa anak niyang si Vico Sotto, na tatakbo muling mayor ng Pasig, may reaksyon dito si Vic Sotto.
“Matatalino na ang mga Pasigueño at ang mga botante ngayon. ‘Yung mga style na bulok hindi na uubra dito sa Pasig ‘yun.
“Alam na ng mga Pasigueño kung ano ang tama, kung ano ang mali. Nakita naman natin ang pagbabago sa pagtakbo ng gobyerno dito,” matapang na sabi ni Bossing Vic.
All out ang support ni Bossing Vic kay Mayor Vico at pati na rin ang ina nito na si Coney Reyes.
Sa katunayan, personal pang sinamahan nina Bossing Vic at Coney si Vico nang maghain ito ng certificate of candidacy (CoC) para sa kanyang kandidatura sa 2025 elections.
Ayon sa dating magkarelasyon, walang dapat ikabahala ang publiko sa ikatlong termino ni Vico bilang mayor ng Pasig. Hindi rin daw sila worried sa paninira sa kanilang anak lalo na ngayong papalapit na ang eleksyon.
Sabi ni Coney,“I lift everything up to the Lord all the time. I have peace in my heart. My son has peace.
“We know what we are doing. He knows what he is doing so nothing to worry about. God is in control,” dagdag pa niya.
At ang advice ni Bossing Vic sa kanyang anak na si Vico, “Keep up the good work, he is doing a good job. I’m proud of him.”
***
SA kanyang TikTok livestream, sinagot ng dancer at isa sa host ng It’s Showtime na si Jackie Gonzaga ang isyu sa kanya, na umano’y nabuntis siya ni Ion Perez, na asawa ng manager niya na si Vice Ganda.
Sabi ni Jackie, “Si Kuya Ion? Ano’ng truth?! Kung anu-ano pinag-iisyu n’yo.”
Bwelta pa niya sa mga nagpapakalat ng fake news, “Adik ba kayo? Tigilan n’yo bisyo n’yo, ah.
“At saka ‘yung mga trolls din naman, anu-ano pinag… for the views kasi. Siguro kumikita sila doon so, wala doon sila kikita. Ganoon talaga, grind nila iyon. Issue nila iyon. Bahala sila doon,” paliwanag pa ni Ate Girl.
Sabi pa niya sa mga sa mga taong naniniwala agad sa mga nababasa at napapanood nila sa social media, “Kadiri mga issue n’yo. Kadiri mga tao naniniwala sa fake news!”
Kasunod nito, nag-congrats naman siya sa mga tao na nagkomento na hindi sila naniniwala na nabuntisan siya nI Ion.
“Congrats naman sa lahat ng mga hindi naniniwala sa fake news at nakakapag-isip kayo nang maayos,” aniya pa.