Advertisers
Ni Beth Gelena
NAGREAK na si Jackie Gonzaga sa tsismis sa kanila ni Ion Perez.
Sa live video ni Jackie natanong siya ng fans sa isyung kumakalat tungkol sa kanya.
“Isyu saan?,” aniya.
Ayon sa fans, tungkol umano sa kanila ni Ion Perez.
“Hala, sabi ng mga tao buntis daw ako.”
Tanong pa nila kung totoo nga.
“Anong truth? Kung anu-ano pinagi-isyu niyo, kami raw ni Ion. Adik ba kayo? Tigilan niyo yang bisyo niyo ah. Tsaka yung mga trolls din naman, kung anu-ano, eh wala dun sila kikita eh. Grind nila yun,” sey ng dancer-TV host.
Saad pa niya, “Kadiri yun mga taong naniniwala sa fake news.”
Nang may nagsabing hindi naman daw sila naniwala, “Congrats sa mga di naniniwala, nakakapag-isip kayo ng maayos,” pakli ni Jackie.
***
HEART YOUNGER VERSION
NI GRETCHEN
MAY post ang isang Instagram user @mkqua ng sexy photo ni Gretchen Barretto.
Ang caption, “Tapos ang boxing…wahhh so nice to see you again…fitspiration ba kamo?”
Napa-“grabe” si Anne Curtis sa sexy photo ni La Greta.
Request naman ng isang commenter, “sana magkaroon kayo ng project together!!! FASHION MOVIE!!!”
Komento naman ni Heart Evangelista, “A reminder — she is a queen.”
“You’re a younger version of La Greta,” sey naman ng faney ng Kapuso aktres.
“she looks GREAT as do you my dear”
“Grabe wala parin tlgang kupas si ms gretchen di halatang nasa 50s nya super pretty parin tignan hanggang ngayon slay queen yarn”
May nagsasabi namang “they look alike, Julia’s face and physique. Barrettos are all beautiful talaga”
Ayaw naman pumayag ang fan ni La Greta.
“No Julia is far different from Gretchen. Gretchen beauty is super and the body is proportional and sexy. Julia looks gray”
Naku mukhang gusto pang pag-awayin ng commenters ang Barretto clan.
Basta for me, pareho silang maganda.
Samantala, na-appreciate ni La Greta ang komento ni Heart, pinasalamatan niya ang Kapuso aktres.
***
MULING sasabak si Marjorie Barretto sa pulitika.
May mahabang mensahe si Marjorie sa kanyang Instagram ng kanyang muling pagpa-file ng Certificate of Candidacy.
“After a lot of thought, prayers, and clear signs, I filed my COC for City Councilor yesterday under #TeamAksyonAtMalasakit. These past few months have been quite a journey… the thought of going back to public service after more than 10 years has been challenging, terrifying, and exciting. Grateful to Mayor Along Malapitan and Congressman Oca Malapitan for their trust and confidence in me. I have gained a renewed sense of purpose,” sey ng ina ni Julia.