Advertisers

Advertisers

Ma’am Malou Choa-Fagar Gustong Maibalik Ang Mga Nawalan Ng Trabaho Sa Tape; Azenith Briones ‘Di Pinabagsak Ng Pagsubok Sa Buhay

0 42

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

LAHAT ng nagmamahal (including me) kay Ma’am Malou Choa-Fagar ay masaya at nagbubunyi sa kanyang pagbabalik telebisyon. At sa kanyang comeback ay si Ma’am Malou na ang bagong Presidente at CEO ng Television and Production Exponents Incorporated (TAPE INC) ng mga Jalosjos.

Yes, siya na ang kapalit ng dating pangulo nito na si Sir Tony Tuviera. Well deserved naman ni Ma’am Malou her new position in Tape at mula 1981 ay nagsilbi na siya rito ng mahigit na apat na dekada, bilang Vice-President at COO. At si Ma’am Malou na ang itinuring na Ina ng Eat Bulaga dahil sa pagmamahal niya sa lahat ng hosts at production staff ng longest running noontime variety show.



At ngayon ang layunin naman ni Mam Malou ay makatulong sa mga empleyado nila noon sa Tape Inc, na nawalan ng trabaho during pandemic. Yan ang kanyang concern, “It is my chance to help the employees who we’re left behind. It will be tough (wala namang madali haha) but by God’s grace, we will make it,” maikling pahayag pa ni Tape President Ma’am Malou Choa-Fagar.

As I’ved heard pinaplantsa na ang hahawakang mga programa ni Ma’am Malou sa GMA 7 at GTV 11. Well good luck, and congratulations!

***

SI Azenith Briones ang larawan ng isang artistang mapupuri mo na kayang resolbahin ang problema o pagsubok sa buhay sa sarling pamamaraan. Yes, imagine, yung ipa-rehab ka sa isang rehabilitation center ng anak mo, samantalang hindi ka naman drug addict o addict sa casino.

Wala sa personality ni Azenith ang waldasin ang mga perang pinaghirapan niya at naiwan sa kanila ng mga anak niya ng namayapang husband na negosyante na si Eleuterio Reyes.



Well, sa vlog ni Morly Alinio ay nilinaw ni Azenith na totoong dinukot siya pero desisyon raw yun ng kanyang mga anak. Aminado siyang natakot noong una. Pero nang ma-realize ay napaganda pa raw at ngayon ay nagkasundo na sila ng kanyang mga anak at madalas na ang bonding nila. At nagpapasalamat si Azenith sa lahat ng mga taong nag-alala at nagdasal sa kanyang pagkawala. Lalong-lalo na sa Bff niyang sina Isabel Rivas at Willie Chu. By the way, isa sa malaking property ni Azenith ay ang 5,000 sqm na Resort Farm sa San Pablo, Laguna na part nito ay gagawing high-end subdivision.

***

Businesswoman & Social Media Personality Cecil Salvador Gustong Sundan Ang Yapak Ni Mother Lily

NA-meet namin sa recent fabulous birthday party ni Madam Mayora Marynette Gamboa ang businesswoman awardee at social media personality na si Ma’am Cecil Salvador. At sa lakas ng dating nito at nakasisilaw na aura ay hindi pwedeng hindi mo siya mapansin lalo’t parati siyang naka-live sa FB, sa pinupuntahan ang iba’t ibang events. And wow, aside sa kanyang negosyo ay plano pala ni Ma’am Cecil na mag-produce rin ng movie. Sa katunayan ay may kausap na siyang kilalang direktor para sa unang project at gusto niya ay comedy ang kanilang gagawin.

***

MATAGAL nang tumutulong si Congresswoman Marissa del Mar, sa mga OFW at pamilya nila dito sa Pinas. Sa katunayan ay nagkaroon pa siya ng programa tungkol sa mga OFW at layunin nito na marinig ang boses nila ng ating gobyerno. At upang lalo pang paigtingin at isulong ang kapakanan ng ating mga Overseas Filipino Workers ay muling tatakbong kongresista si Ms. Marissa sa ilalim ng OFW Party-list na siya ang lider. Naghain na nga ito ng Certificate of Nomination and Certificate of Acceptance Nomination (CON-CAN) last October 7, 2024 sa The Manila Hotel Tent City. Ramdam ng ating mga kababayang nagta-trabaho sa iba’t ibang bansa at mga pamilya nito ang pagmamahal, sakripisyo, at aruga ni Congw. Marissa kaya suportado nila ang muling pagtakbo nito. Bago pa naging kongresista ng OFW Party-list ay marami nang business si Ms. Marissa kaya malinaw na hindi siya corrupt na politician. And in all fairness, still beautiful and slim pa rin ang aming kapatid na actress/TV host/politician.