Advertisers
Ni Oggie Medina
Si singer Lae Manego-Franzani, tinaguriang Filipino Queen of Rock at tatanggap ng karangalan sa 2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Award, ay may malambot na puso para mga matatanda, lalo na sa mga inabandona at naghihirap sa buhay.
Makikita si Lae na tumutulong sa kanila sa kalye o sa institusyong nangangalaga sa kanila, tulad ng GRACES Home for the Elderly (dating Golden Acres) sa Quezon City, sa likod ng SM North EDSA. Makailang beses na siyang dumalaw at nagbigay ng saya sa GRACES sa tulong nina direk Jaysar Datuon Lorayna at singer Madonna Decena (unang Pinay na naging finalist sa Britain’s Got Talent noong 2008 at lead vocalist ni Manny Pacquiao). Tumulong din kay Lae ang La Visual Corporation.