Advertisers
KINUMPIRMA ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na naghain ng kandidatura sa pagka-senador ang nakakulong na si Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy sa pamamagitan ng kaniyang abogado.
Bago ito, nagpa-survey ang mga tagasuporta ng pastor, kung pabor ba ang publiko na tumakbo ito bilang senador.
Inamin ni Garcia na malaya ang sinuman na maghain ng Certificate of Candidacy (CoC) hangga’t wala pa itong hatol sa kinakaharap na kaso.