Sa pagtakbo sa Batangas… Vilma diniin, hinog na sa pagseserbisyo ang mga anak na sina Luis at Ryan Christian
Advertisers
Ni Jimi Escala
TULAD ng inaasahan ay sabay sabay na nag file ng kanilang COC (certificate of candidacy) ang mag iinang Vilma Santos-Recto, Luis Manzano at Ryan Christian Recto.
Si Ate Vi bilang gobernador, ang panganay na anak na si Luis ang kanyang bise at ang bunsong si Ryan ay tatakbo namang Kongresista sa Lipa, Batangas.
Higit na maraming Batangueño ang pabor at nakahandabg magbigay ng suporta kina Ate Vi at dalawang anak.
Pero may iilan namang kumukuwestiyon na karamihan sa mga Ito ay hindi naman taga Batangas sa desisyon ng mag-iina na sabay sabay pumasok sa pulitika, huh!
Sinagot agad ng Star for all Seasons ang nasabing isyu nang makausap namin siya pagkatapos ng programa kung saan nagsama sama lahat ng mga kasama niya sa partido sampu ng halos lahat ng mga mayors ng buong Batangas, huh!
“Hindi lang naman kami ang gumawa niyan. At saka kami, nag-o-offer ng serbisyo — ang tao naman ang boboto kung pagkakatiwalaan kami o hindi.
“Ang importante, nung mahilingan akong tumakbo uli at gusto nila uling maging governor ako, inisip ko rin kung saan ako lalagay.
“Si Ralph [Recto, her husband] kasi is not running. Secretary of Finance siya at hindi siya makakaalis sa national government.
“So, ang akin lang, bakit ang dalawa kong anak? Kasi, na-expose na yung dalawa kong anak sa tao.
“Noong secretary na si Ralph, hindi siya nakaka-attend ng mga affair sa barangay, like educational distribution, financial assistance, mga TUPAD [Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced Workers].
“Ang ipinadadala niya lagi, si Ryan at si Lucky [palayaw ni Luis]. At na-expose na yung mga anak ko sa mga tao.
“Ngayon nararamdaman nila yung mga totoong buhay na ng mga tao, at nararamdaman ko, may puso na sila doon. At saka lumaki na sila sa amin.
“Imagine, nung maging public servant ako, nung mayor ako, Ryan was only three years old…”
“Ngayon ay 28 anyos na si Ryan, samantalang ang 43-anyos na si Luis ay may asawa at anak na,” sey pa ng nagbabalik gobernadora ng probinsiya ng Batangas.
Kumbaga, paliwanag pa ng multi awarded actress na lumaki ang dalawa niyang anak sa kung paano ang galaw sa mundo ng isang pulitiko.”
Pareho nang lumaki sina Luis at Ryan hindi lang sa showbiz kundi pati na rin sa public service, huh!
“So dito na rin sila lumaki, sa public service na nakita nila sa amin, at naranasan nila iyon nang magsilbi sila at magbigay ng mga financial distribution,” dagdag pa ng Star for all Seasons.
Kagaya ng mga nauna niyang pagtakbo ay humingi ng sign si Ate Vi sa itaas. Kaya hindi agad nakapagbigay ng desisyon ang Star for all Seasons sa mga humihiling sa kanya na maging gobernador muli ng Batangas.
Kaya may mga nagpahayag agad ng intensiyon na tumakbong Batangas governor.
But ngayong nagdesisyon si Ate Vi ay may mga nag back out agad at isa na rito si VG Mark Leviste at instead tatakbo na lang na kongresista, huh!
***
STILL on Ate Vi, sawa na rin kaya sa kanyang showbiz career si Luis kaya tumakbo rin ang magaling na TV host niyang anak? Makakalaban ni Luis ang kasalukuyang incumbent na Batangas governor na si Gov. Mandanas.
“I personally believe kung nahilingan akong tumakbo bilang nanay uli ng Batangas, I need Lucky. Kailangan ko yung anak ko.
“Kasi kailangan ko yung technology, kailangan ko yung social media. Kailangan ko ng technology na itong mga new blood ang makapagbibigay to do a fast work, fast service.
“Remember, three years lang yan. So, nakaplano ang programa. Pero kailangan natin itong bagong dugo. Fast track ng mga serbisyo…
“Si Lucky, nung governor ako, nag-a-Alay Lakad yan. Alam niya yung tulong sa education, so hindi ito bago sa kanila. Ryan is the same thing.
“Nung na-expose na uli sila dito sa Lipa, they are both ready. Matalino at may puso ang mga ito,” paliwanag pa ni Ate Vi.
Dagdag pa rin ni Ate Vi na maraming advantages daw kung tulung-tulong silang buong pamilya sa paglilingkod sa kanilang lalawigan.
Kumbaga kung ang asawang si Sec. Ralph na kasalukuyang Sec. of Finance ay tiyak din naman na tutulong pa rin sa kanila para sa lalong ikauunlad ng Batangas.
“So kami, nag-aalay lang ng serbisyo. And then, Secretary pa si Ralph. Anything na pupuwede pang maging magandang development ng Batangas… nandidito kami to work as a team and as a family.
“With all the congressmen, with all the mayors, or the kapitans and down to the barangay functionaries, we will all work as a team and as a family dahil ganun ko yun pinatupad nung naging governor ako.
“Sana pagkatiwalaan kami. Tutal, ang tao naman ang magdededisyon. And we’re willing to serve the Batangueños,” paliwanag pa ng bida sa soon to be released na pelikulang “The Uninvited.”