Advertisers

Advertisers

Yogi Ruiz at Bonel Balingit Tatakbo sa Cebu City

0 30

Advertisers

Ni Oggie Medina

SA isang mesa ay nakasama ko sina media reporters/vloggers Cali Manzano (salamat Cali!), Iza Aldana at Ian Agsalud. Nang dumating sina Obette Serrano at Chino Hansel Pilyang ay tumabi ako sa kanila. Dumalo kami sa isang mediacon (ginanap sa Kuya’s at QC sa kalye ng Mother Ignacia sa Quezon City) ni Yogi Ruiz, ang dating pinuno ng PDEA at naging Customs Chief. Nandoon din si basketball player-actor Bonel Balingit, o mas kilala bilang Gentle Giant o Man-Mountain, na lumabas na sa ilang TV sitcoms at comedy films.

Si Bonel ay tatakbo bilang konsehal sa partido ni mayoralty aspirant Yogi Ruiz ng Partido Federal ng Pilipinas (ang pinuno ay si Pangulong Bongbong Marcos), na napaka-gentleman at guwapo pala sa personal. Nag-selfie kami ni Cebu City mayor-to-be Yogi Ruiz at siya pa ang humawak ng camera ko.



Good luck kina Yogi Ruiz (ang bagong “crush” ng bayan) bilang Cebu City alkalde, Bonel P. Balingit bilang konsehal at Christine Takahashi bilang kinatawan sa Kongreso at sa iba pa.