Advertisers
Ni Jimi Escala
PURING-puri ng mga nakakausap naming ilang matataas na opisyal ng kapulisan sa Maynila ang Kapamilya aktor at Primetime King Coco Martin.
Nakarating kasi sa kanila ang balitang pinag drug test ng bida ng “Batang Quiapo” ang lahat ng involved sa cast ng top rating serye ng ABS CBN, huh!
Buong prodüksiyon, siyempre hindi lang ang cast kundi pati na rin ang mga staff kasama ang mga utility boys at yung mga nasa catering na naghahatid ng pagkain sa taping ng nasabing serye, huh!
Ang lahat ng mga Ito ay isinailalim umano ni Coco sa drug test.
Hindi lang malinaw sa amin kung pati yung mga kasama sa cast ay isinamang pina drug test ni Coco.
Ayun pa Kay Coco, dapat daw mai-submit bago mag Oct. 7 ang results ng isinagawang drug test.
Ang hindi raw nagpa-drug test ay siguradong mawawala sa “FPJ Ang Batang Quiapo”, huh! 0
Sa totoo lang talagang sobrang inaalagaan nj Coco ang kanyang “Batang Quiapo” na more than one year na sa ere, huh!
Ang “Batang Quiapo” ang ipinalit sa more than seven years na top rating na “Ang Probinsiyano.”
Isa sa sumaludo sa hakbang na Ito ni Coco ay si Ret. Col. Jun Ibay na tumatakbong kunsehal ngayon sa district one ng Tondo sa ilaljm ng partido ng nagbabalik bilang ama ng Maynila na si Yorme Isko Moreno.
Ayon naman kay Incumbent at working congressman ng District One na si Cong. Ernix Dionisio, dapat lang daw na mabigyan ng papuri ang hakbang na Ito ni Coco.
“Iniidolo at modelo ang mga nasa showbiz kaya dapat lang na bigyan ng papuri si Coco,” sey pa ni Cong. Dionisio.
Samantala, kung pagbabasehan ang survey at ang mga taong sumama sa kanilang filing ng COC ay walang dudang “win” na ang grupo nina Yorme Isko at Cong. Dionisio, huh!
***
NAG-viral at pinag-uusapan ngayon kaya marami ang na-curious na netizens na nakabasa sa post ni Julia Montes sa Instagram na “Tinulungan mo noon! Sinisiraan ka na ngayon! Saklap diba!”
Na sinundan pa ng isa pang post ng Kapamilya aktres na…
“Oo ikaw alam mo kung sino ka wag post ng post. Mga tao talaga.”
Ang malaking katanungan ngayon ay kung sino ang pinatamaan ng naturang post ni Julia, huh!
Hindi raw naman kasi nagbanggit ng anumang clue si Julia hinggil sa taong kinaiinisan niya ngayon na kulang na lang ay banggitin niya ang name, huh!
Nagkanya-kanyang search ang netizens kung sino ba ang latest na naka-isyu ni Julia at malamang, isa sa mga Ito ang pinatamaan ng aktres,huh!
Ang pakiusap nga ng netizens, mag-react na ang pinariringgan niya para hindi na sila mamoroblema sa kaiisip kung sino ang kanyang pinatatutungkulan.
Kaya lang, as of today, wala pang may alam kung para kanino ang naturang post ni Julia.
Ayon naman sa nakausap naming insider ay dapat daw huwag nang palakihin pa ni Julia ang naturang isyu.
Kumbaga, itigil ang pagpaparinig dahil bukod sa hindi nababagay kay Julia ay baka maging nega pa siya lalo na sa social media, huh!
Pero sa totoo lang, nakakuha naman ng maraming kakampi sa mga netizens si Julia.
Ngayon lang daw kasi naglabas ng ganito ng sama ng loob ang isang Julia Monte’s, huh!
But hindi rin naman maiwasang magamit Ito para sa publicity promo ng malapit nang ipalabas na seryeng “Saving Grace” na isa sa mga bida si Julia, huh!