Advertisers
INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na nasa 20 milyong Pinoy na kabilang sa Generation Z ang inaasahang boboto sa 2025 national at local elections.
Ang mga ipinanganak sa pagitan ng 1997 at 2012 ay pasok sa Gen Z category.
“Kung ang pagbabasehan natin yung Barangay and SK (Sangguniang Kabataan) Elections, sabihin na natin isama nating yung 15 to 17 years old, ang botante ay almost 24 million. More or less, nag-eexpect tayo ng mga hanggang 20 million members of Gen Z na mga kabataan,” ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia.
Batay sa datos, nasa 13 milyon o 195 ng kabuuang bilang ng mga botante ang Gen Z.
Ayon kay Garcia, mahalaga ang boto ng mga kabataan.
“Yung votes nila will matter. Ganyan kahalaga ang boto nila sapagkat sila ang magdidikta ng kinabukasan ng ating bayan,” pahayag ni Garcia.
Gayundin ang pananaw ni political analyst Edna Co.
“Paparami ang bilang ng mga Gen Z voters. Napakahalaga ng papel at bilang ng mga Gen Z voters. So, that will be game-changing. Ito yung magiging puwedeng magbago ng political landscape natin,” pahayag ni Co.
“Ang Gen Z voters ay ang tinatawag na ‘the digital generation.’ Sila mismo hindi lang taga-tanggap ng information, sila mismo puwedeng maging actors mismo and shapers ng mga pamamaraan ng teknolohiya, yung information na puwedeng dalhin through digital technology. Sila rin yung educators mismo ng iba pang age level voters,” dagdag ni Co.
Ayon kay Co, halos one-third ng mga miyembro ng House of Representatives ay mga batang politiko.
“That’s also a significant development kasi iba ang kaisipan ng mga bata kaysa doon sa mga traditional na politiko,” ani Co.