Advertisers

Advertisers

22 local executives na ang natigok under Duterte admin.

0 222

Advertisers

DALAWAMPU’T DALAWANG local excutives na pala ang natodas sa ilalim ng Duterte administration. Ilan sa kanila ay kasama sa narco-list na isinapubliko ni Pangulong Rody “Digong” Duterte.

Ang latest casualty ay ang alkalde Los Baños, Laguna na si Caesar Perez na pinagbabaril mismo sa loob ng munisipyo habang naglalakad ito sa hallway Biyernes ng gabi, pasado alas-8:00, Nobyembre 4.



Si Perez ay isa sa mga tinukoy ni Digong na sangkot sa illegal drugs trade. Mariing pinabulaanan ng alkalde na dati ring bise gobernador ng lalawigan ang akusasyon.

Bago si Perez, narito ang naunang local executives na pinaslang:

1. Vice Mayor Aaron Sampaga ng Pamplona town, Cagayan. Siya ay binaril ng ‘di paring natutukoy na gunmen sa kanilang probinsiya noong Aug. 5, 2016.

2. Mayor Samsudin Dimaukom ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao. Siya ay pinagbabaril kasama ang siyam niyang tauhan ng mga pulis sa checkpoint noong Oct. 28, 2016 sa may Brgy. Bulatukan. Tinukoy siya ni Duterte na isang ‘narco-politician’. Dinenay naman ito ni Dimaukom.

3. Mayor Rolando Espinosa ng Albuera town, Leyte. Pinatay naman siya sa loob ng selda ng Baybay City Provincial Jail ng CIDG raiding team na pinamumunuan ni Col. Marcus noong Nov. 5, 2016. Tinukoy siya ni Duterte na isang drug lord. Siya ay ama ng umaming drug lord na si Kerwin Espinosa na isa na nga-yong state witness at nasa kustodya ng NBI.



4. Vice Mayor Anwar Sindatuk ng Datu Saudi-Ampatuan, Maguindanao. Binaril naman siya ng mga ‘di pa natutukoy na salarin sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Madia noong Nov. 27, 2016. Tinukoy rin siya ni Duterte na isang ‘narco-politician’.

5. Mayor Mohammad Limbona ng Pantar, Lanao del Norte. Tinambangan naman siya habang sakay ng kanyang behikulo sa Iligan City noong Dec. 30, 2016. Politika naman umano ang motibo ng pagpaslang sa kanya.

6. Mayor Arsenio Agustin ng Marcos, Ilocos Norte. Binaril naman siya ng ‘di parin natutukoy na salarin sa construction site sa Barangay Mabut, Marcos town noong June 3, 2017.

7. Mayor Joven Hidalgo ng Balete, Batangas. Binaril siya habang nanonood ng larong basketball malapit sa police station sa Barangay Poblacion, Balete noong June 10, 2017.

8. Mayor Reynaldo Parojinog ng Ozamiz City, Misamis Occidental. Isa siya sa 16 napatay, kasama ang kanyang misis, ka-patid at pamangkin, sa serye ng raid ng pulisya sa San Roque Lawis, Ozamiz City noong July 30, 2017. Ang alkalde ay tinukoy ni Duterte na isang drug lord.

9. Vice Mayor Jackson Dy ng Roxas, Oriental Mindoro. Binaril siya habang naghuhugas ng kanyang kotse noong Sept. 23, 2017. Nakilala naman ang gunman, Benjamin Buruanga, isang bagong laya sa kulungan.

10. Vice Mayor Jonah John Ungab ng Ronda, Cebu. Tinambangan siya sa kahabaan ng Osmeña Street sa Cebu City noong Feb. 19, 2018. Siya’y legal counsel ng drug lord na si Kerwin Espinosa.

Ang 11 pang napaslang ay sina: Buenavista, Bohol Mayor Ronald Tirol na binaril sa loob ng sabungan noong May 27, 2018; Tanauan City Mayor Antonio Halili (July 2, 2018). Tinukoy siya ni Duterte na narco-polirtician; General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote ( July 3, 2018); Vice Mayor Alex Lubigan ng Trece Martires, Cavite (July 7, 2018); Vice Mayor Al-Rashid Mohammad Ali ng Sapa-Sapa town, Tawi-Tawi (July 11, 2018); Mayor Mariano Blanco III ng Ronda, Cebu na binaril sa loob ng kanyang opisina (Sept. 5, 2018). Inakusahan din siyang narco-politician; Mayor Alexander Buquing ng Sudipen town, La Union ( Oct. 1, 2018); Vice Mayor Alfred Concepcion ng Balaoan town, La Union (Nov. 14, 2018); Vice Mayor Sergio Popoy Francisco Emprese ng San Andres, Quezon (August 21, 2019); Vice Mayor Charlie Yuson III ng Batuan, Masbate (October 9, 2019); Mayor David Navarro ng Clarin, Misamis Occidental (Oct. 25, 2019). Inakusahan siyang ‘narco-politician).