Advertisers
NAPAKASUWERTE talaga ng mga mamamayan ng lungsod ng Parañaque!
Bukod kasi sa pagkakaroon ng isang matalino, mabait at masipag na alkalde sa katauhan ni Mayor Edwin L. Olivarez, suwerte ring maituturing na may isang FERNANDO “DING” SORIANO itong maaasahan sa bawat sandali.
Alter ego at shock absorber ika nga roll into one.
Pero sa lahat ng mga aktibo at nakapuwestong mga city administrator, di lamang dito sa Metro Manila kundi nilalahat na natin, natatanging si Ding Soriano lamang ang walang hangin sa katawan.
Simple at napaka-low profile.
Magiliw at magalang sa pakikipag-ugnayan at pakikitungo sa lahat ng tao.
Kung pagsasadyain mo o bibisitahin ang kanyang opisina, napakapayak nito at sadyang napakaliit kumpara sa mga bonggang tanggapan ng mga city administrators ng bawat siyudad at bayan sa metropolis.
Di alintana ni Ding ang taglay nitong kapangyarihan bilang alter ego ng mabunying Mayor Edwin Olivarez.
Nananatili itong naka-apak sa lupa ang mga paa at kahit minsan ay hindi mariringgan ng reklamo kahit pa nga 24/7 nakaantabay sa lahat ng gawain at aktibidades ng city hall.
Di uso kay Mr. Ding Soriano ang intriga o inggit.
Taos sa puso nito ang pagseserbisyo sa mamamayang Parañaquenos tulad ng kanyang immediate boss na si Kuya Edwin.
Kahit pa nga anong oras o kahit pa nasa mismong tahanan na nito si Admin Ding, malaya ang sino mang dumulog dito at humingi ng tulong.
For Ding Soriano, he does his duties not only for Mayor Olivarez but for the people na mahal at inaaruga ng alkalde partikular na doon sa mga mas nangangailangan at nagigipit.
Kung si Mayor Edwin ay binansagang workaholic Mayor ng Mega Manila, si Ding Soriano naman ang Mr. Right ng Parañaque LGU!
Mabuhay ka Boss Ding and keep up the great work!
You are such a rare gem Admin Ding!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com