Advertisers

Advertisers

Ginebra isang tagay na lang

0 217

Advertisers

ISANG tagay na lang ang kailangan ng Barangay Ginebra para masungkit ang titulo sa Philippine Basketball Association All-Filipino Cup matapos itumba ang TNT Tropang Giga 98-88, sa Game 4 ng finals sa Angeles University Foundation Sports and Cultural Center sa Pampanga.
Bumida sa panalo si LA Tenorio matapos magpakawala ng back-to-back triples upang isalba ang Barangay sa RR Pogoy-led comeback ng Tropang Giga mula sa 18 points down.
Umiskor din si Tenorio ng dagger layup upang makumpleto ang Ginebras survival.
Kumamada sina Tenorio at Japeth Aguilar ng tig-22 puntos para sa Gin Kings, na puntiryang tapusin ang best-of-seven series sa Game 5 sa Miyerkules.
Scottie Thompson nagdagdag ng 11 points, 11 rebounds at nine assists.
Pogoy nagtapos ng 34 points, four rebounds, six assists at four steals para sa Tropang Giga. Habang si Poy Erram bumakas ng 19 points,16 rebounds, one assists at two blocks.