Advertisers
Malapit na ang Pasko. Pero hindi kumpleto ang iyong pamilya. Wala ang bugtong na anak.
Sa ating mga Pinoy ay napakahalaga na sama-sama ang family kaya napakalungkot pag may kulang. Yan ang sitwasyon ngayon ng beteranong race organizer na si Adi de los Reyes.
Ayon sa dating top salesman ng Adidas at Accel ay inaresto ang kanyang anak na si Andrew noong Enero sa salangpossession ng kalahating kilo ng shabu at kinulong sa San Mateo jail.
“Nagbasketball ang anak ko sa kalapit na village at nagpalipas ng gabi sa paglalaro ng video games sa bahay ng kaibigan at doon nangyari ang raid,” wika ng nag-oorganisa ng mga regular na patakbo sa Marikina at San Mateo.
“Kaso hindi nila nahuli ang target kaya pinagdadampot na lamang ang mga nandoon sa haybol na kabilang nga si Andrew,” dagdag ng may papiso-meal para sa mga batang paslit sa pag-aaring Ampid Eatery.
Walang bail ang sinampang kaso ng mga pulis. Dahil sa pandemya ay isa pa lang ang naging pagdinig sa korte.
Araw-araw ay hinahatiran ni Adi ang anak ng pagkain na may kasama pang for sharing sa ibang Persons Deprived of Liberty. “Napakasikip nila sa loob kaya kaawa-awa ang kanilang kalagayan at walang physical contact sa mga dalaw,” kwento pa sa atin na kapartner sa Subic International Marathon.
“Via online lamang ang aming pakikipag-usap sa kanya kaso nasira mga computer noong nagbaha sa piitan,” hinaing ng ama ng six-footer na si Andrew.
Mabuti na lang daw at nailikas ng jail warden at guards ang mga preso sa kalapit na eskwelahan bago tumaas ang tubig noong Ulysses.
Mapalad din sila at may mga taong naghandog ng mga bagong kagamitan.
Ang susunod na hearing ay sa ika-26 ng Enero pa kaya talagang malungkot ang Disyembre ng pamilya De Los Reyes.
Umaasa si Adi na namahala ng Fun Run for Sta. Teresa na mabibigyan ng hustisya ang kanyang kaisa-isang supling na dati rin natin nakalaro ng basketball sa lalong madaling panahon.
***
Tuwang-tuwa noong Linggo ng gabi sina Ellen Gamboa at Rose Tolentino Alberto sa pagkapanalo ng Barangay Ginebra kontra sa Talk N Text. Isang game na lang kasi na maipagwagi ay kampeon na naman ang paborito nila team.
Eka nga ni Pepeng Kirat ay dapat mag-pancit sila kung masungkit ng GinKings ang korona. Game 5 ng PBA Finals ay bukas.
Dinagdag pa ni Pepe na magpapalitson naman daw siya kapag yung idolo niya ang maging bago nating presidente sa 2022.
***
Pinakyaw na ni Mane ang mga partido pulitikal. Ngayon ay siya ang pinili ni Aquilino Pimentel III na maging pangulo ng tinatag ng ama niyang PDP-Laban. Dati na siyang kasapi ng LP-Atienza Wing, KAMPI, NP ng mga Villar at UNA ng mga Binay. Opo, parang nagpapalit lang ng kamisadentro ang boksingero. Yan yung nagpaplanong pang maging bagong star boarder ng Malacañan kahit absenero sa Kongreso at Senado.