Advertisers

Advertisers

29 kilos ng marijuana nasamsam sa Rizal

0 4

Advertisers

Arestado ang 34-anyos na lalaki nang makuhanan ng 29 kilograms ng marijuana dried leave ng mga elemento ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa isinagawang buy bust operation sa Kalinga, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang naaresto sa alais Raffy, 34-anyos, “newly identified drug personality” ng Brgy. West, Rizal, Kalinga.

Ayon kay BGen Eleazat Matta, Dir ng PNP DEG, 9:30 ng gabi ng isinagawa ng buy bust operation ng pinagsanib na elemento ng PNP DEG-Special Operation Unit CAR , Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Kalinga Provincial Police Office at Rizal Municipal Police Station sa Brgy West, Rizal Kalinga.



Narekober ng mga otoridad sa suspek ang 29 brick ng dried marijuana leave na nakalagay sa sealed transparent plastics na maytimbang na 29 kilosgrams na nagkakahalaga ng P3,480,000.00,

Nasa kustodiya ng Rizal Police Station ang suspek habang sumasailalim sa imbestigasyon habang ang mga nasamsam na mga iligal na droga ay dinala sa Provincial Forensic Unit sa Camp Capt Juan M Dayun sa Tabuk City Kalinga para sa Laboratory examination.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Act 0f 2002. (Mark Obleada)