Advertisers

Advertisers

Associate Justice Leonen bobo?

0 244

Advertisers

IPINUPUNTO at pinaninindiganan ni ATTORNEY LARY GADON na INCOMPETENT at BOBO umano si SUPREME COURT JUSTICE MARIO VICTOR LEONEN na dapat lamang ma-impeach ito sa kaniyang posisyon.

Ang mga paratang at katagang salita ay binitawan ito sa harap ng mga MEDIA sa isinagawang PRESS CONFERENCE ni ATTY. GADON matapos na ihain kahapon ng isang batikang manunulat na si SECRETARY GENERAL EDWIN CORDEVILLA ng FILIPINO LEAGUE OF ADVOCATES FOR GOOD GOVERNMENT sa HOUSE OF REPRESENTATIVE ang VERIFIED COMPLAINT FOR IMPEACHMENT laban kay ASSOCIATE JUSTICE LEONEN na inendorso naman ni ILOCOS NORTE 2nd DISTRICT CONGRESSMAN ANGELO MARCOS BARBA.

Sa pamamagitan ni ATTY. GADON ay inihayag nito na si ASSOCIATE JUSTICE LEONEN ay nagkasala sa umano’y kabiguan nitong maaksiyunan ang may 37 kaso na inihain sa kaniyang tanggapan sa loob ng 24 months na isinasaad ng Section 15 (1) Article VII in relation to Section 16 Article III ng Constitution para sa marapat at mabilis na pag-aksiyon ng mga kaso. Inaakusahan din ito na nambibinbin ng resolution of cases na inihain sa kaniya bilang CHAIRPERSON ng HOUSE OF REPRESENTATIVE ELECTORAL TRIBUNAL. Bukod dito ay hindi rin umano ito nagsumite ng STATEMENT OF ASSETS, LIABILITIES AND NET WORTH (SALN) noong ito ay nanunungkulan pa bilang DEAN ng UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES.



Simula umano noong 1989 hanggang 2011 ay hindi nagsumite ng SALN si LEONEN na ang record lamang umano nito na nakapagsumite ng SALN ay noong 2004 hanggang 2007; 2010 at 2011.

Ayon kay GADON, ang mga kasong inihain sa tanggapan ni LEONEN ay inupuan lamang o bininbin kabilang na ang 21 election protest at 13 quo warranto cases sa loob ng 24 months.., kaya malaki ang puntos sa naging paghahain ni CORDEVILLA na IMPEACHMENT dahil INCOMPETENT umano sa posisyong hinahawakan etong si LEONEN.

Sakaling maaprubahan ng KONGRESO ang inihaing IMPEACHMENT ay pasisimulan ang pagdinig at sa pagkakataong iyon ay doon masasaksihan ng sambayanan kung may katuwiran at mapaninindigan ni GADON na INCOMPETENT, BOBO at WALANG IBABATBAT daw si LEONEN sa kaniya kapag nagkaharap sila sa mga pagdinig at debatehan!

URBAN POOR SOLIDARITY WEEK NGAYON…

Bahagi sa pagdaraos ng URBAN POOR SOLIDARITY WEEK (UPSW) ngayon ay nakipag-ugnayan ang PRESIDENTIAL COMMISSION FOR THE URBAN POOR (PCUP) sa TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY (TESDA) para sa pagkakaloob ng SCHOLARSHIP PROGRAM sa MARALITANG SEKTOR.



Ang nangalap ng mga magiging scholar na aabot sa halos 200- katao ay mismong mga AREA COORDINATOR ng PCUP mula sa bawat FIELD OPERATIONS DIVISION at sa pamamagitan ng ONLINE AWARDING CEREMONY, ang mga benepisaryo ay gagawaran ng sertipiko at ang PCUP ang direktang mag- eendorso ng kanilang dokumento sa TESDA REGIONAL OFFICES.

“Una, mayroon po tayong Food Caravan kung saan may gulay, food packs, bigas at kung anu-ano pang pagkain na mula sa ating mga partners ang ipinamamahagi ng ating mga FODs. Pangalawa, nag-iikot din po ang ating Health Caravan upang magbigay kaalaman patungkol sa COVID-19 at mga dapat gawin para labanan ito.., at ang huli ay paparangalan po natin ang mga napiling scholars na mabibigyan ng pagkakataon makapili ng kursong nais nila ng libre,” pahayag ni PCUP CHAIRMAN, UNDERSECRETARY ALVIN FELICIANO.

Aniya, ang programang ito ay bahagi ng 3 CARAVAN na lumilibot simula pa nitong October sa iba’t ibang lugar ng ating bansa sa kabila ng pandemiya para sa paggunita ngayon ng UPSW

“Hindi po rito nagtatapos ang ating pamimigay ng ganitong programa. Tuloy-tuloy pa rin po ang pakikipag-ugnayan namin sa iba pang organisasyon at sektor upang tuluyan na nating maitaas ang porsyento ng kahirapan tungo sa pag-unlad ng mga Pilipino,” pahayag pa ni USEC. FELICIANO.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.