Advertisers

Advertisers

Eumir Marcial vs Andrew Whitfield sa December 16

0 223

Advertisers

MAPAPALABAN ang Olympic-bound Filipino boxer Eumir Marcial sa kanyang professional debut sa December 16, laban kay Andrew Whitfield ng America.
Ang four-round middleweight encounter ay gaganapin sa Microsoft Theater sa Los Angeles.
“(This) is still just part of his progression for the Tokyo 2021 Olympics,” wika ni MP Promotions president Sean Gibbons tungkol sa parating na professional debut ni Marcial.
Si Marcial ay lumagda ng six-year contract sa MP Promotions noong July at lumipad patungong United States sa October para magsanay sa celebrated trainer Freddie Roach sa Wild Card Gym sa Los Angeles.
Sinabi ni Gibbons, si Marcial ay potential gold medalist sa Tokyo, ay naniniwala na si Whifield ang pinakamagandang kalaban para sa heavy-handed Filipino.
“Andrew is from Idaho, just a tough, rough MMA fighter-slash-boxer,” sambit ni Gibbons. “Just a real good style, comes to rumble, comes to get in your face and likes to fight.”
Whitfield, 29, bitbit ang 3-1 win-loss record sa laban, huli siyang lumaban noong November 2019, dinaig si Adam Smith via decision.
Pinahayag ni Marcial na handa na siya sa kanyang pro debut matapos ang dalawang buwan na hard training sa Los Angeles.
“Sobrang ready na po tayo. Kahit this week, kung inano na ‘yung laban, lalaban po ako,” tugon ng 25-year-old Filipino fighter.