Advertisers

Advertisers

Gari Escobar ipagpoprodyus ng pelikula si Ivana Alawi

0 488

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA 

TAHIMIK lang ang mahusay na singer na si Gari Escobar na nakilala rin sa pagiging avid Noranian pero marami na pala itong plano lalo na sa taong 2021.

Kamakailan, nakakuwentuhan natin si Gari sa isang resto sa Kyusi kasama ang ilang entertainment editors at marami siyang pasabog na tsika.



Nalaman nating hindi lang pala ang singing career ang pagtutuunan niya ng atensyon ngayon kundi pati ang pagpoprodyus ng pelikula at pati na ang pag-aartista.

Tsika ni Gari, balak daw niyang ipagprodyus ng movie sa 2021 ang Pantasya ng Bayan na si Ivana Alawi.

Katunayan nga raw ay nag-acting workshop na siya kay Ms. Cherie Gil.

Sey ng nasabing singer, hinahangaan umano niya si Ivana at naniniwala anya siya na sa likod ng pagpapaseksi ng Kapamilya star at sikat na Youtuber ay may itinatago itong kakaiba sa kanyang pagkatao na iba sa pinakikita nito sa publiko.

Bukod kay Ivana, siyempre pa ay nais din niyang makasama sa movie ang idol niyang si Nora Aunor, gayundin sina Maricel Soriano, Bela Padilla, at si Cherie.



Nabanggit din ni Gari na may kinompos anya siyang kanta para sa Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na akma umano para sa misis ni Matteo Guidicelli.

Samantala, very happy ang singer sa dalawang nominasyon na natanggap niya sa Aliw Awards 2020, ang mga ito ay sa kategoryang Breakthrough Artist of the Year at Best Pop Artist.

Ang awards night ay gaganapin sa Manila Hotel ngayong Dec. 15 at ika ng ani Gari, makasama man lang sa mga nominado ay isang malaking karangalan na raw sa kanya.

Ibinalita pa ni Gari na muli siyang magkakaroon ng virtual concert sa Dec. 27. May kasama umano siyang live band kaya tiniyak niyang mag-e-enjoy ang mga manonood ng nasabing konsiyero.

Una nang nagdaos ng virtual concert si Gari last Oct. 17 na may pamagat na Gari Escobar Live! My Life! My Music!

Si Gari ang nasa likod ng awiting Baguio na kasama sa self-titled album niya mula sa Ivory Music na may 12 pang kanta.

Nanalo rin siya sa PMPC Star Awards for Music bilang New Male Recording Artist of the Year last 2019.

***

ANGELIKA SANTIAGO MAS FEEL NA NANG-AAPI KAYSA BIDA SA SERYE

NAKAPAGTATAKANG sa edad na 17, ang pinaka-idolo ng young star na si Angelika Santiago ay ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.

Naitsika ito ni Angelika sa zoom presscon niya nitong nakalipas na Biyernes.

Sey ng dalagita, humanga umano siya sa acting ni Ate Vi sa pelikulang Anak na gumanap itong OFW.

Gayuman, paborito rin daw ni Angelika sina Angel Locsin, Anne Curtis, at Liza Soberano.

Si Angelika ay nasa pangangalaga ng Triple A Inc. na pinamumunuan ni Rams David.

Kuwento ng dalagita, bata pa lang daw ay hilig na niya ang pag-arte at suportado siya ng mga magulang sa kanyang pag-aartista.

Katunayan, ilang acting workshops na rin umano ang pinagdaanan niya, mula kay Ogie Diaz hanggang kay Ms. Gladys Reyes ngayon.

Alam n’yo ba na ang nakadiskubre kay Angelika ay ang komedyanang si Ai Ai delas Alas?!

“Nag-start po ako noong time na nakita po ako ni Mommy AiAi delas Alas. Galing po sila sa meeting ni papa and tinanong po ako kung gusto ko raw pong mag-artista. Pumayag naman po yung parents ko, ‘tsaka po ako, kasi gusto ko rin po talagang maranasan ang pagiging artista,” aniya.

Sa kasalukuyan ay lumalabas si Angelika sa afternoon drama serye ng GMA7 na Prima Donnas bilang si Jewel. Isa sa mga kontrabida na kasamahan ni Elijah Alejo (Brianna) ang role ng nasabing dalagita.

Nang tanungin kung aprub ba sa kanya na ma-typecast na kontrabida, sagot ni Angelika, mas okey raw sa kanya na kaaway ng bida o kontrabida dahil mas mapanghamon ito at lalong mahahasa ang kakayahan niya bilang aktres.

“Gusto ko pong maging mataray in camera po, kasi parang nag-a-add po siya ng tension kapag nagse-scene po ako, kasama ang mga kaibigan ko po. And nakakatulong po iyon para lalo naming magampanan nang maayos ang character po namin,” pahayag pa ni Angelika.

Kung gaganap daw siyang primera kontrabida sa isang serye, gusto raw niyang apihin si Elijah na kontrabida ng tatlong bidang kabataan sa Prima Donnas na sina Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan.

Nakalabas na rin si Angelika sa TV shows na MaynilaUniforme, at sa pelikulang OFW, The Movie na tinampukan ni Ms. Sylvia Sanchez.

Wish ni Angelika na magkaroon pa ng maraming proyekto at gumanda pa ang kanyang career ngayon at sa papasok na taong 2021.