Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
BONGGA si Arjo Atayde huh! Sa katatapos lang na 3rd Asian Academy Creative Awards 2020 ay siya ang wagi rito bilang Best Actor In a Leading Role para sa iWant original series na Bagman, na pinagbidahan niya.
O di ba hindi lang sa Pinas kinikilala ang husay sa pagganap ni Arjo kundi maging sa ibang bansa rin?! Mga foreign actor lang naman ang tinalo ni Arjo mula sa mga bansang China, Hong Kong, India, Malaysia, Singapore, Indonesia, Taiwan, South Korea at Thailand.
Sa pagkapanalo ng binata, proud sa kanya siyempre ang kanyang pamilya, girlfriend na si Maine Mendoza, lahat ng nagmamahal sa kanya, at ang Pilipinas.
Tweet nga ni Maine patungkol kay Arjo, “always proud of you!”
In fairness, ang husay naman talaga ni Arjo sa Bagman. Kahit nga ang award-winning actress na si Maricel Soriano, nang mapanood ang nasabing series sa advance screening nito dati, napahanga ni Arjo.
Nag-dialogue pa siya sa mommy ni Arjo na si Sylvia Sanchez, na mas magaling pa raw kesa sa kanila si Arjo. O di ba coming from the Diamond Star?
Bahagi ng speech ni Arjo sa virtual awarding ceremony, “I’m happy to be showing Filipino talent out there. I’m not just one of the actors here in the Philippines. There’s a lot of brilliant actors and I just hope for them to be able to show you even more of what we have in our country.”
Mula umpisa ng speech niya ay naiiyak ang actor at ramdam ang emosyon. Espesyal din talaga sa mga artista ang makatanggap ng parangal sa gitna ng pandemya.
***
BIANCA INISNAB ANG B-DAY PARTY NG DYOWANG SI RURU
SA kabila ng pandemya, nagawa pa ring i-celebrate ni Ruru Madrid ang kanyang ika-23rd birthday sa Madrid Summer House, Antipolo, noong Biyernes ng gabi, December 4.
Limitado lang ang inimbita dahil iniiwasan nila ang mass gathering. Karamihan ng dumalo ay pamilya at malalapit na kamag-anak ng aktor.
No show sa okasyon ang girlfriend ni Ruru na si Bianca Umali na ang sabi ay nasa lock in taping daw ng serye niya sa GMA 7 na Legal Wives.