Advertisers

Advertisers

Senior Citizen, ninakawan at kinatay ng kasambahay

0 15

Advertisers

Dead on arrival sa pagamutan ang isang negosyanteng lalaking senior citizen nang pagnakawan at paslangin sa loob ng kanyang water refilling station sa bayan ng Paombong, Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Antonio Centeno, 71, businessman, residente ng Brgy. San Vicente.



Sa report, naganap ang insidente 2:30 ng hapon nitong September 29, sa Brgy. Sto. Niño.

Ayon sa mga pulis nakabulagta ang biktima sa magulong kagamitan sa kanyang water refilling station at nawawala na rin ang hindi mabatid na halaga ng perang pinagbentahan ng tubig.

Sinasabing hindi na rin makita ang 35 -anyos na lalaking helper ng biktima na ngayon itinuturing na Person of Interest ng mga awtoridad.

Patuloy naman ang  isinasagawang follow up investigation ng pulisya sa naturang krimen.(Thony D.Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">