Advertisers

Advertisers

Jarvey Gayoso lumagda sa Thai club Muangthong

0 210

Advertisers

NAKATAKDANG lumipat sa Thai club Muangthong United ang team captain ng Philippine Azkals na si Jarvey Gayoso.
Inanunsyo ng Azkals Development Team ang desisyon ni Gayoso nitong Sabado, ito ay matapos pamunuan ang kampanya ng squads sa 2020 season ng Philippine Football League (PFL)
“It’s not over the line yet, but it’s close and it’s an excellent move for him,” Wika ni ADT coach Scott Cooper, na malakas ang impluwensya sa Muangthong bilang dating coach ng Thai League giants
Lilipad si Gayoso patungong Thailand ngayong Linggo para ayusin ang kontrata sa Muangthong, na four-time champion sa Thailand top flight league.
Naniniwala si Cooper na malaki ang maging benipisyo ni Gayoso bilang player, lalot puntirya nito na makapasok sa senior national team.
“I think it’s a great step up for him to go to the Thai League,” aniya. “He’s being picked up as a midfielder, which was where he ended his stint at the ADT.”
“I think we finally found the right position for him,” dagdag pa nya.
Si Gayoso, na naglaro sa Ateneo de Manila University sa college, ay umpisang naglaro sa PFL season na leftwing back bago naglaro upfront, at tinapos ang season na may four goals at two assists.
Tinapos ng ADT ang PFL season na may 3 panalo at 2 talo.
“It’s a really good challenge for him, because he has to step up a few levels,” sambit ni Cooper.
Nagwagi si Gayoso ng 2 UAAP titles sa Ateneo, at dalawang beses naging Most Valuable Player at naging Best Strike ng apat na beses.