Advertisers
MAGSISILBING mapait na aral sa pamunuan ng EEI Corporation ang parusang ipinataw ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa naturang construction firm at sa kanilang mga sub-contractor kaugnay sa aksidenteng naganap noong November 21, 2020, sa ginagawang Php 10 billion Skyway Extension project mula Susana Heights, Muntinlupa patungong Sucat, Parañaque.
Suspensyon ng paggawa sa proyekto at malaking halaga ng multa ang kinakaharap ng EEI Corp. at ng sub-contractor nitong Mayon Machinery Rentrade, Inc. sa ilalim ni President Yasuo Yamasita, at Bauer Foundation Philippines, Inc. na pinamamahalaan ni Roy Casuga.
Pinagbabayad ang EEI Corp. ng Php 170,000 kada araw na nalabag nito ang umiiral na regulasyon at patakaran ng OSHS hanggang sa masunod na nito ang mga nabanggit na alituntunin.
Ang Mayon Machinery Rentrade, Inc. ay pinatawan din ng administrative fine na PHP80,000 sa bawat araw na nalabag nito ang patakaran at regulasyon ng OSHS hanggang sa maisaayos nito at masunod ang nasabing reglamento.
Samantala, ang Bauer Foundation Philippines Inc., ay inatasan naman na na magmulta ng Php 170,000 sa kada araw mula sa pagkatanggap ng atas ng DOLE hangga’t hindi naiwawasto ang mga nagawang paglabag sa OSHS.
Sa naturang insidente ay nasawi ang 42 anyos na safety officer, na si Edison Paquibot ng Bacoor, Cavite. Inianunsyo itong dead on arrival sa Alabang Medical Clinic sa Muntinlupa matapos na mabagsakan ng steel girder na binubuhat sa job site ng isang crane na inarkila ng EEI Corp..
Bumabagtas ang sinasakyang motorsiklo ni Paquibot sa East Service Road, Muntinlupa City nang mabagsakan ito ng nasabing steel girder habang lulan ng kanyang motorsiklo patungo sa kanyang job site sa Taguig City.
Ilang katao pa ang nadamay at nagtamo ng malubhang kapansanan at ginamot din sa ibat-ibang ospital sa Muntinlupa City samantalang limang behikulo din ang napinsala.
Sa isinagawang pagsisiyasat ng DOLE ay maraming nakitang paglabag ang EEI Corp. sa umiiral na Occupational Safety and Health Standard (OSHS),kaya inatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello na pansamantalang itigil ng EEI Corp. ang paggawa ng Skyway Extension Project sa Muntinlupa City.
Batay sa pagsisiyasat ni DOLE NCR Regional Director, Atty. Sarah Mirasol, ang naturang aksidente ay palatandaan ng malubha at malaking panganib sa kaligtasan at kapakanan hindi lamang sa manggagawa kundi maging ng publiko sa kapaligiran ng construction site.
“In view of the gravity of the presumptive negligence of the contractor, this supplemental work stoppage order is issued to stop the construction activity not only affected area but also in the entire Skyway Extension Project, Sucat- Alabang Viaduct,” Atty. Sarah Mirasol, NCR Regional Director, said in the order”, pahayag pa ni Mirasol.
Agad ding iniutos ang suspensyon ng paggawa sa nasabing job site.
May kapangyarihan ang Kalihim ng Paggawa na suspendihin ang operasyon ng alinmang establiyemento kapag may nagawang mga paglabag ito o hindi sinusunod ang batas at patakaran ng paggawa na nagsisilbing panganib sa kaligtasan ng mga manggagawa at mga mamayan.
Ang pinakamatindi pa nga nito ay inatasan din nga ng DOLE na magbayad ng malaking multa ang EEI at ang kanyang mga sub-contractor.
Maaring “pitik lamang sa goma”ang halaga ng multang ipinataw sa EEI Corp. at kanyang mga sub-contractor, ngunit nakita ang mabigat na kapabayaan at paglabag ng mga ito sa mga patakaran ng OSHS na pinaiiral sa paggawa ay malinaw.
Kung tutuusin hindi kayang tapatan ng halaga ng salapi ang buhay na nasawi at kapansanang naranasan ng mga biktima ng malagim na trahedya, na “puno’t-dulo” ay tandisang paglabag sa OSHS.
Maaari namang naiwasan kung naging maagap lamang at hindi nagpabaya ang nakatalagang magpatupad ng patakaran sa Safety, Health,Environment and Security department ng EEI Corporation.
Nahirati na marahil ang pamunuan ng naturang construction and engineering firm sa mga nagawa ng mga itong paglabag tulad ng insidenteng naganap sa EEI Corp. fabrication yard sa bayan sa bayan ng Bauan, Batangas noong Oktubre 2020.
Ayon kat Atty. Ava Beatrice Jackqiline Talag,hindi naipatupad at pinaniniwalaan na nagpabaya ang mga nakatalagang safety officials ng EEI Corp. doon para maiwasan ang paglaganap ng COVID 19 sa nasabing yarda na naging sanhi ng pagkakahawahan ng may 62 mangagawa ng nasabing kompanya.
Kaya naman sina Arguelles din at mga tauhan nito ang sinisi ng pamilya at ng mga naapektuhang empleyado ng naturang kompanya.
Ngunit ibinabalita sa SIKRETA na astig daw si Argulles kay EEI Corp. President & CEO President Roberto Jose Castillo, kaya hindi ito naaksyunan ng kanyang mga boss.
At ito nga ang naging resulta, nasuspendi na ang operasyon sa Skyway Extension Project, ay magmumulta pa ang naturang kompanya ng napakahalaking halaga!
***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com.