Advertisers
SUPER sikat ang Gymnastics Sports ngayon sa Pinas, dahil sa first ever double gold medals record na naitala ni CARLOS EDRIEL YULO after a century natin sa Paris Olympics pati na sa kontrobersyang pinaputok pa sa social.media ng vloggers.
Last August pa sumambulat ang victory in CARLOS pero patuloy ang hirit sa socmed ng isyu. Ang ina ni CARLOS, si ANGELICA POQUIZ YULO ang nagpasabog mismo ng kanilang family feud sa puntong wagi na ang gymnast at sinalubong ng press release na sumisira sa anak. May kasamang abogado de campanilla sa presscon at may higing na gustong idemanda ng isang grupo ang ina dahil sa mapanirang pasabog sa media at pagsira sa momentum ng honoring event o pagkilala sa victory. Reportedly, si CARLOS mismo ang pumigil.
Nag-ugat ang gulo sa paggastos umano ng nanay sa unang milyones ng anak, involved ang 11M, walang consent at nalaman lang sa statement of account mula sa banko. Nagpahayag si CARLOS na pinatawad na ang ina, matagal na at kinalimutan na rin ang pera. May gf pala si CARLOS na di tanggap ng mom dahil sobrang moderna ang Australian based Tiktok influencer.
In other words, ang gf, si CHLOE ANJELEIGH SAN JOSE ang pinanindigan ng gymnast at sumuporta sa kanya in four years relationship nang itakwil ng nanay, ibully, pinalayas at nagawang iblock sa cellphone. May curse pa ang mom ‘gagapang ka sa lupa pero hindi ka.mananalo..but biglang umiyak sa video at nag-sorry right after nanalo ang anak ng makasaysayang double gold.
Humatak ang family culture ng Pinas sa di nagawang pag-uwi ng gymnast sa pamilya dahil nabulabog ng kontrobersya. Gustong makita ng followers na muling magbahagi ng bagong milyones ang gymnast sa family at hindi sa salita lang magpatawad, sa kulturang, ‘isa lang and nanay.’.Lalong humaba ang issue habang apaw ang blessings ni CARLOS sa php130M, house and lot, cars, gifts, etc..and still counting.Tuloy ang boundaries ni CARLOS sa anumang destruction in preparation sa susunod na laban.
Tampok.ngayon ang endorsement ni CARLOS sa top at biggest car brand TOYOTA, at umingay ang pagpalit sa kanya as endorser ng energy drink MILO, taken by Olympian.pole vaulter EJ OBIENA. Family oriented ang MILO kaya si EJ umano na walang kontrobersya sa family ang dapat Pinarangalan din ng MILO ang parents in CARLOS, bilang magulang ng tatlong mahuhusay na gymnasts ( CARLOS, ELDREW, ELYZA).
Sa unang ,dating, inakala ng ilan na hindi ‘Laking MILO’ si CARLOS kaya si EJ ang napiling brand ambassador. Looking back, in 2020 may ads si CARLOS, projecting ‘Laking MILO’ kasama ang ina pero and younger sibling na si ELDREW and nasa photo.
Kailan titigil and issue na sinasakyan ngayon ng ilang celebrities? Whatever, nakatatak sa history ng Pinas ang great twin gold record ni CARLOS EDRIEL YULO. More luck! Good luck din sa pag-usbong pa ng karera ni EJ OBIENA. MABUHAY ang mga BATANG MILO! Congrats sa MILO 60th year!
SEPTEMBER CHEERS
HAPPY Birthday to AMY VILLANUEVA, JAMIE VILLANUEVA of Mandaluyong City, AURORA FRANCO of Pasig and KARLA ORTIZ of Cavite. HAPPY READING!