Advertisers

Advertisers

Sa Bgy. 04 ng Pasay, pamilya at kerida kasama sa ayuda

0 311

Advertisers

Nang magkaroon ng pandemic at nagkabigayan ng ayuda mula sa pamahalaan, mga pamilya at kamag-anak ng mga barangay official ang unang priority na bigyan ng ayuda dito sa Barangay 04 ng Pasay City. Ang nakakapagtaka pati kerida na kinakasama ni opisyal ay kasama sa ayuda. Mga anak ng kagawad na may sariling pamilya at pati na rin mga kamag-anak nila, pawang nakinabang. Nagkaroon pa kuno ng screening at interview. Sa totoo lang, may mga nakakuha pa ng ayuda na gamit gamit ang pangalan ng ibang tao (wala na sa barangay na ito).
Matagal nang tapos ang first tranche (P8k) noong Abril pa, natapos narin yung second batch na nakakuha ng P16k, pero ang second tranche ay mukhang aabutin pa ng Bagong Taon.
Dedma na ang mga opisyal ng barangay dahil halos tapos nang makakuha ang mga kamag-anak nila. Paano naman yung iba? Patapos na ang Bayanihan II pero mukhang nilipad na ng hangin yung second tranche.
Tinatawagan ang DSWD at ang DILG, pakiayos naman ang Barangay 04. – Concerned Citizen

Bus na dumadaan sa R10 – Roxas Blvd. apektado ang biyahe ng mga jeepney
Gud am po. Pwede nyo po ba katukin ang taga LTFRB na patigilin na ang bus na dumadaan dito sa Road 10 to Roxas blvrd. Marami ang apektado ang biyahe dito. – Jeepney driver