Advertisers

Advertisers

Petron, Generika, Marinera lalayas sa Super Liga

0 187

Advertisers

LALAYAS na ang Petron, Generika- Ayala, at Marinerang Pilipina sa Philippine Super Liga.
Sinabi ni PSL chairman Philip Ella Juico, na ang Petron na may anim na titulo sa liga, ay mas pinili na lumiban hanggang may available na vaccine para sa COVID-19.
Nagpasya rin ang Generika-Ayala na hindi sumali sa susunod na kumpitisyon, pati na rin ang Marinerang Pilipina, na sumali lang sa liga nakaraang season.
Petro Gazz, na sumabak sa Premier Volleyball League nakaraang season ay nakatakdang lumahok sa PSL as guest team, kabilang ang dalawa pang bagong squad, ayon kay Juiso.
Hindi makikita ang Blaze Spikers sa Superliga sa unang pagkakataon buhat noong 2013, ito ang ikalawang bakasyon ng Lifesavers, na umalis noong 2015 bago bumalik sa susunod na taon kung saan nakapasok sila sa semifinals appearance.
Guest team ay inaasahang mapapasabak laban sa PSL All-Filipino champion F2 Logis-tics,Cignal, Cherry Tiggo, Sta. Lucia at PLDT Home Fibr.
“We promise to be back with a bang,” Wika ni Juico sa kanyang statement.
“While we are looking to come up with high level of club competition, we also know that sending a solid team to the international arena is our responsibility being an active member of the national federation – the Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. That’s why for next year, we want to have a balanced mix of club, international and collegiate competitions.”
Nakaprograma sa 2021 kalendaryo ng PSL ang, Beach Volleyball Challenge Cup na magsisimula sa Feb,25-27 sa Subic.
Bubuksan ang All-Filipino Conference sa Marso 13.
“We would strictly use ‘bubble’ concept and we are already scouting for possible venues in the NCR and various parts of Luzon,” ayon kay Juico.