Advertisers

Advertisers

‘Princess of Love Songs’ Diane de Mesa may bagong orig Christmas single para sa pandemya

0 372

Advertisers

By Blessie K. Cirera

MAY bago na namang kanta ang “Princess of Love Songs” at singer-songwriter na si Diane de Mesa.

Ito ang kanyang bagong awiting “Tuloy-tuloy pa rin ang Pasko” na umiikot ang mensahe sa pandemya.
Isinulat at sarili itong komposisyon ni Diane na inareglo ni Elmer Blancaflor. Sa official music video na inilabas ni Diane ay kanyang itinampok ang mga video clip ng mga kaibigan sa industriya at sa kanyang personal na buhay. Makikita at mapapanood ang official music video sa Facebook at Youtube.



Ipinakikita sa nasabing video ang iba’t ibang klase ng pagmamahal sa pamilya at sa bawat isa at tuloy pa rin ang Pasko kahit sa gitna ng kahirapang pinagdaraanan ng mundo ngayon.

Kasama rin ang inyong lingkod at ilang kasama sa panulat sa video na ito! ()
Listen, download and stream ang kanta ni Diane sa Spotify, iTunes, Youtube Music at iba pang digital sites.

Pakinggan ang magandang awitin ni Diane para maramdaman pa rin ang diwa ng Pasko sa kabila ng pandemya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">