Advertisers

Advertisers

Sen. Go: Department of Overseas Filipino Workers, tatalakayin na sa Senado

0 266

Advertisers

KINUMPIRMA ni Senador Christopher “Bong” Go na magsisimula na ang pagtalakay ng Senado sa panukalang pagkakaroon ng Department of Overseas Filipino Workers sa Lunes.

Iginiit ni Go na 10% ng populasyon ng bansa ang mga OFW kaya naman dapat aniyang mayroong sariling departamento na tututok sa pangangailangan at kapakanan ng mga ito.

Una nang ipinaliwanag ni Go na mayroong mga ahensiya ng gobyerno na tumutulong sa mga OFW pero iba aniya kung mayroong sariling ahensiya ang mga ito at may Cabinet level na mamumuno.



Sa panukalang DOFW, binigyang-diin ni Go na hindi na kailangang manawagan sa social media, sa radyo at iba pang platform ang mga OFW dahil mayroon nang iisang departamento na nakatutok sa kanila.

Umaasa si Go na makakapasa ang kanyang panukala at papaburan ng kanyang mga kapwa Senador. (Mylene Alfonso)