Advertisers

Advertisers

Mikael nag-sorry nang mag-walkout kay Marian

0 278

Advertisers

PAGKATAPOS ng house tour, closet tour naman ang latest vlog ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia.

Ipinasilip niya sa fans ang designer shoes, bags, clothes, at ang mga go-to fashion items niya. Minimalist pero glam ang theme na napili niya para sa walk-in closet na may mini-lounge, multi-mirrored fitting room, at isang refreshments area para sa team niya. Kapansin-pansin din ang pink accents at gold finishing sa buong closet.

Dagdag na kuwento ni Gabbi, kapag may out-of-the-country trip siya ay gusto niyang nag-uuwi ng souvenirs na kadalasan ay damit, bag, or sapatos.



Samantala, napapanood pa rin si Gabbi sa rerun ng ‘Encantadia’ gabi-gabi sa GMA Telebabad.

***

Heart Evangelista enjoy sa shooting range kasama ang mister

Kahit na abala sa pagiging governor ng Sorsogon, hindi pa rin pwedeng mawalan ng oras si Chiz Escudero sa asawang si Heart Evangelista. Masayang nag-bonding ang dalawa sa isang firing range kamakailan.

Sa Instagram ng Kapuso star, ibinahagi niya ang mga litrato at video mula sa naging bonding time nila, “So glad I got to spend some alone time with this guy. #MahalKongSorsogon.”



Magkasama at busy ngayon sina Heart at Chiz sa patuloy na pagtulong sa mga kababayan nila sa probinsya. Bukod diyan, aliw na aliw rin ang aktres sa pagdiskubre ng mga local handcrafted products sa lugar at kitang-kita naman ito sa mga updates niya sa social media.

***

SINARIWA ni Love of my Life star Mikael Daez ang tila awkward first encounter nila ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera taong 2011 para sa GMA series na ‘Amaya.’

Sa latest episode ng podcast na #BehindRelationshipGoals kasama ang asawang si Megan Young, pinag-usapan ng celebrity couple ang kanilang mga naging karanasan sa showbiz industry.

Kwento ni Mikael, nagsisimula pa lang daw siya noon bilang artista kaya’t hindi pa niya gamay ang mundo ng entertainment.

Hindi rin daw ganoon kapamilyar si Mikael kay Marian ng panahong iyon kaya’t hindi rin niya alam kung paano pakikitunguhan ang aktres.

“I go in and Marian Rivera’s there, there’s a table [and] she says ‘Oh, hi, ako si Marian.’ And then she extended her hand and I reached over and I’m like, ‘Hey, ‘sup? I’m Mik.’ And then umalis ako. So many things were happening but yeah I was a jerk. I’m sorry. Yanyan, I love you, you’re amazing, you’re beautiful. I was a jerk.” (By Rommel Gonzales)