Advertisers
UNTI-UNTI nang nababawasan ang mga dayuhan na umano’y iligal na nagtratrabaho sa bansa matapos ang higit 70 chinese national mula sa POGO Hub ang ipinadeport ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 pabalik ng China ngayong araw, Setyembre 6,2024.
Ang mga chinese na babae at lalake ay magkakasamang lulan ng PAL flight PR-336 na lumipad bandang alas-11:48 ng umaga patungong Shanghai, Peoples Republic of China.
Ang mga deportees, binubuo ng 75 umano’y ‘undocumented alien’ na pawang nagtratrabaho sa isang POGO hub sa Pasay na dating sinalakay ng mga operatiba ng PAOCC at PNP kung saan napag-alaman na may mga illegal na gawain sa nasabing lugar.
Ayon kay PAOCC Chief Usec Gilbert Cruz na posibleng mabago pa ang naturang bilang dahil iba dito ay may mga nakabinbin pang kasong kinakaharap depende pa anya sa dokumentong pinoproseso ng Immigration authority.
Sa ngayon, tuloy tuloy na pinoproseso ng Bureau of Immigration ang mga dokumento ng iba pang mga dayuhan na sangkot sa ibat-ibang ilegal activities sa ilang POGO Hub sa bansa.
Nauna rito, iniutos ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr , ang pagsasara ng mga POGO Hub sa ibat-ibang dako ng Pilipinas dahil sa sunod-sunod na pagkakasangkot ng mga Chinese sa iligal na gawain. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)