Advertisers

Advertisers

Ayudang pinansyal kaloob ni Mayor Honey sa higit 3K na mga may sakit na residente

0 14

Advertisers

MAHIGIT na 3,000 residente na may mga sakit ang pinagkalooban ni Mayor Honey Lacuna ng ayudang pinansyal sa kanyang ‘People’s Day’ na regular na ginagawa sa City Hall simula ng siya ay manungkulan bilang alkalde noong 2022.

Nabatid na ang mga tumanggap ng ayudang pinansyal mula sa lady mayor ay mga indibidwal na may sakit na cancer o sumasailalim sa dialysis treatments.

Sinabi ni Lacuna na bagama’t hindi makasasapat hanggang sa katapusan ng kanilang gamutan ang halaga na kanyang ibinibigay, ito naman ay makakatulong din para ipangtustos sa kanilang mga kailangang laboratories at ibang pang medical tests tulad ng scans.



Ang ‘People’s Day’ ay higit pang pinalalakas ni Lacuna sa pamamagitan ng kanyang ‘Kalinga sa Maynila’ program, kung saan dinadala niya ang iba’t-ibang hepe ng mga departmento, kagawaran at tanggapan na madalas na siyang pinupuntahan ng mga residente para sa kanilang pangangailangan.

Matapos ang programa, si Lacuna kasama si Vice Mayor Yul Servo, ay personal na nagtutungo sa bahay ng mga residenteng bed-ridden upang pagkalooban ito ng iba’t-ibang uri ng tulong.

Bilang isang doktor, si Lacuna ay personal na titingnan ang kundisyon ng residenteng kanilang binisita upang malaman kung anong partikular na tulong ang kanyang maibibigay.

Maliban pa dito, ang alkalde ay bumibisita din sa tahanan ng mga sentenaryo sa Maynila upang personal na iabot ang tsekeng nagkakahalaga ng P100,000 bilang insentibo ng lokal na pamahalaan sa mga residenteng umabot na sa edad na 100 taon. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">