Advertisers

Advertisers

Seaman pinerahan ng nobyang nabuntis kuno, pero may 4 anak sa labas; nakadale ng P500K

0 334

Advertisers

PINERAHAN ang isang seaman ng halos kalahating milyon ng kanyang nobya na sinasabing siya ang ama ng kanyang pinagbubuntis.
Sa ulat, nagpakilala si alyas Joan kay alyas Mark na dalaga pero mayroon na pala itong apat na anak.
Sa kuwento ni Mark, una siyang inalok ni Joan na magtayo ng laundry shop pero hindi natuloy dahil hindi pa sapat ang pera niya para magsimula ng ganitong negosyo.
Pagsampa raw ni Mark sa barko, doon sinabi ni Joan na buntis na siya.
“Nung nasa barko na po ako, pinakitaan po niya ako ng pregnancy test na positive. “Pati yung early stage ng pagbubuntis, yung ultrasound. Imbis na magduda ako, naunahan ako ng tuwa, siyempre sabik na rin ako maging ama.”
Sa kabuuan, umabot na sa kalahating milyon ang nakuha ni Joan sa kanya.
Ang P400k ay napunta sa sinabi ni Joan na investment pero sa bandang huli ay wala rin pala.
Ang P100k naman ay binigay ni Mark kay Joan bilang pambili ng gamit ng bata at para sa kanyang panganganak na “caesarean operation”.
Sinabi rin ni Joan na patay na ang kanyang ina at isa na siyang ulila, pero napag-alaman ni Mark na buhay pa pala ang ina nito.
Matapos makuha ang kalahating milyon kay Mark ay naglaho nalang itong parang bula.
Ang huling pag-uusap nila ay gusto siya idemanda ni Joan dahil ikinakaila raw niya na anak niya ang bata.
Pero may sapat daw na ebidensya si Mark na hindi siya ang ama ng bata at may mga ibang lalaki rin daw si Joan.
Ang huling balita raw ni Mark ay meron ng bagong boyfriend si Joan at sinasabi raw nito na hindi siya buntis.(PFT team)