Advertisers

Advertisers

Nobya isinangla ang ‘engagement ring’, inireklamo ng nobyo

0 312

Advertisers

INIREKLAMO ng nobyo ang kanyang nobya dahil isangla nito ang kanilang engagement ring.
Kinilala ang ‘groom’ na si Armando Portugaliza Jr.
Ayon sa ulat, inakusahan ni Armando ang dating nobya na si Debbielyn Padilla na nagawa raw nitong isangla ang kanilang engagement ring upang hindi na matuloy pa ang kanilang kasal.
Sinabi pa ni Armando na matapos isangla ay nakapaghanda pa ang dating nobya, na pinabulaanan naman ang lahat ng akusasyon.
Wala umanong katotohanan na isinangla ni Debbielyn ang singsing at nilinaw niyang hindi engagement ring ito kaya wala rin dapat na asahang kasalan si Armando.
Dala ng sama ng loob sa nagawa ng babae sa kanya, pinasasauli ni Armando ang mga naibigay niyang materyal na bigay sa dating nobya. Kasama na rito ang ‘engagement ring’ na ibinigay niya pati narin ang perang naibigay niya rito na umabot sa mahigit P50,000.
Nagkaharap na ang dalawa sa barangay at nagkasundong ibabalik itong lahat ni Debbielyn at huhulugan ang malaking halaga mula kay Armando.(PFT team)