Advertisers

Advertisers

LBP: A SWING AND A HIT!

0 7

Advertisers

THEY started at the right footing. A swing and a hit in their target!

Yan ang bagong Liga Baseball Philippines o LBP..

Dahil ito ay pinamumunuan ng mga taong ang puso sa baseball ay di matatawaran.



Kung kaya ang unang sigwada ng kanilang liga ay matagumpay ang resulta hudyat ng tuluy-tuloy na programa ng LBP at ng larong baseball na maibalik ang glorya nito sa aspeto ng crowd drawing at mataas na antas , aspeto at ekspektasyon ng mga de kalidad na kumpetisyon upang maibalik ang baseball fans sa stadium at maihatid ang excitement ng laro through mainstream media at social media.

Si businessman/ sportsman Wopsy Zamora( bossing ng kampeong NU Bulldogs sa UAAP) katuwang sina PABA official at DLSU sports coordinator Pepe Munoz at Boy Tingzon ng Ph Tot Baseball ang pasimuno sa naturang adbokasiya sa pagbabalik ng glorya ng sport sa bansa kung kaya ang buwenamanong edisyon ng LBP Tingzon Cup ay isang tunay na huge success kaya’t buong pagmamalaki ang triumvirate sa pagtiyak ng susunod na edisyon ng LBP 2nd Conference sa Nobyembre at more teams to participate para makaranas ng tunay na bakbakan sa diamond na pride , fortune and prestige ang taya.

Mabuhay sina Wopsy, Pepe at Boy!

Ang makasaysayang LBP Tingzon Cup ay pinaharian ng powerhouse IPPC Hawks.

Sino ang susunod na kampeon ng bigger and exciting LBP Gonference?..



ABANGAN!

Lowcut: Paalala sa mga handler ni golden boy Carlos Yulo.

Huwag masyadong ilagay sa ulo ang pagiging instant superstar ni Caloy.

Grabe na ang pagka-OA sa pagprotekta sa bata.Kahit gaano siya katayog ngayon, huwag siya ilalayo sa mga taong instant niyang tagahanga.

Kabi-kabila ang mga imbitasyon sa kaya na mga parangal, pamigay ng insentibo at press presentations.

Salado ang mga taong nasa galeriya paro di na malapitan ang instant celebrity st ang mga HAWI BOYS ngayon ni Yulo ay sobra. Mistulang head of state o diplomat ang pagprotekta kaya di na makalapit sa superstar na di naman nagbabago ang ugali. Parang buhawi kung humawi ang mga linsyak na pati media ay turing nilang fans o spectator lang sa nagpasikat at nagpalaji sa pangalan ng batang Leveriza lang noon.Mga OA …Kayo ang magpapalaki ng ULO ni YULO!MISMO!!