Advertisers
UNAP, United Nations Association of the Philippines isang non-sectarian, non-partisan organization na nabuo noon pang 1947, para ipromote ang mga adhikain ng UN sa pakikipag-tandem sa atin o Pilipinas.
Dumalo dito ang ating kaibigan si Undersecretary Ernesto Torres Jr., executive director of the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), noong gunitain ang UN Day of World Indigenous Peoples (August 12, 2024) sa may Manila Clock Tower Museum.
Dito ibinahagi ni Torres ang hangarin din ni President Ferdinand Marcos Jr. makamtan ang katahimikan sa bansa sa pamamagitan ng peace agenda na nakatuon sa grassroots governance, pangangalaga sa human rights, at mahikayat ang mg civic groups na makiisa “Bagong Pilipinas.”
Ibinahagi rito ni Torres ang pangako ng Administrasyong Marcos na wawakasan ang kaguluhan, at resolbahin ang mga sanhi nito tungo sa pangkalahatang kapayapaan sa bansa.
Ang mantra nga raw ni Pangulong Marcos ay “peace, unity, at development.”
Bilang bansa nga raw na dumadanas ng kaguluhan sa mahabang panahon ng panggugulo ng iba’t ibang grupo ng mga pesteng rebelde, makikita pa rin ang pagsusumikap ng pamahalaan, lalo na ngayon, sa panahon ng Marcos Administration na makamit ang tunay na kapayapaan.
Ang pangakong makamit ang kapayapaan, ayon kay Torres ay halos nasa isang tabi na lamang, dahil nagbubunga ang pagsisikap ng pamahalaan kasama ang Sandatahang Lakas at lahat na gamit ang “whole of goverment approach.”
May tama naman talaga si Torres ika nga, ng ating mga kabaro sa pamamahayag. Kung magsasama-sama at makikiisa ang lahat sa pagsisikap na makamtan ang kapayapaan, di makapananagumpay ang mga pesteng rebelde.
At sa mga natitirang pang mga panggulo gaya ng mga komunistang-terorista at mga moro rebels, aba, eh mag-isip-isip naman kayo. Ibang panahon na ang kinalalagyan natin sa ngayon, na ang kailangan ay pagkakaisa para sa kapayapaan para sa kaunlaran. Bulok na ang mga i-style niyo!